Chapter 7

2.5K 40 3
                                    

Close na kami ni Caloy noon pa at kilalang kilala na sya ng mga magulang ko kaya okay lang na pumasok sya sa bahay hanggang kwarto ko. Pagkapasok na pagkapasok nya ay niyakap nya agad ako. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Kanina lang, si Epy ang nagtapat na gusto nya ako, ngayon ito naman?

"Ano ba nangyayari at nagkakaganyan ka?" tanong ko kay Caloy na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa akin.

Di pa rin sya kumakalas sa yakapan namin nang sabihin nya ang mga katagang ikinagulat ko...

"Mahal na kita Bes. Kahit noon pa...

Ngayon nga lang ako nagkalakas ng loob kasi ayokong may umagaw sayo sa akin. I love you..."

At that moment, natulala ako. Hawak nya ang magkabila kong pisngi at akmang hahalikan ako...

Sa lips!

Isang mainit na halik. Iyan ang iginawad nya sa akin. Di ko alam ang gagawin ko dahil napakarami nang nangyari sa araw na ito. Nalilito na rin ako sa mga naganap. Di ko maintindihan kung bakit wari'y nag-uunahan sina Epy at Caloy sa akin...

Caloy's POV

Nasundan ko ang kotse ni Caloy. Nandito na sila ngayon sa bahay ni Caleb. Buti naman at inihatid nya si Leb...

Ilang sandali lamang ay nakarinig na lamang ako ng sumigaw na lalaki.

"Mahal na kita Leb! Hindi lang basta bestfriend, kundi more than that! Please be mine!"

Parang may tumusok sa dibdib ko nang marinig ko ang sigaw na iyon, di ako maaaring magkamali, ang boses na iyon ay kay Carlo.

Nagtapat na sya kay Caleb.

Pero, ako ang nauna! Hindi ito maaari!

Narinig ko na lamang na pinapasok na lang ni Caleb si Caloy sa loob ng bahay nila.

Aaarrgghh. Nakakainis! Nakakaselos! Kelangan kong gumawa ng paraan!

---

"Hindi mo maaaring maging kaibigan si Caleb dahil akin lang sya. Wala nang ibang pwedeng umagaw sa kanya. Kaya payo ko na lang sa'yo, layuan mo na sya dahil akin lang si Caleb. Akin lang sya. Naiintindihan mo?" yan ang huling naging usapan namin ni Caloy nang masinsinan nya akong kumprontahin sa huling araw ng pagduty ko sa ward nila Caleb.

---

Hindi ko makakalimutan ang mga huling salita nya. Inaangkin nya ang taong nagpatibok sa puso ko.

Oo. Bago lang kaming magkakilala at bago pa lang ang pagkakaibigan namin pero wala syang karapatan na pagbawalan ako kay Caleb. Sino ba sya? Long-lost bestfriend na nagbabalik?

Ako na ang gagawa ng first move. Kelangan na malaman ni Caleb ang nararamdaman ko.

Iyon ang nag-udyok sa akin para gawin ang eksena kanina sa hospital. Binigyan ko sya ng flowers at nagtapat ako na gusto ko sya. Pero inabutan  na ako ng hiya kaya hanggang dun lang ang nasabi ko. Bakit ba lagi na lang akong naaabutan ng hiya. Masyadong marami yata ang nabili kong hiya.

Isa akong brusko. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang nararamdaman ko kay Caleb.

Ang alam ko lang, sya ang nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Na lagi ko syang hinahanap hanap pero kapag nasa harapan ko na ay sandamukal na hiya at pagkatorpe ang nararamdaman ko. Dinadaan ko na lang sa confidence dahil may hitsura naman ako pero sa totoo ay sa kanya lang ako nakakaramdam ng ganito. Kahit sa mga past GF ko ay di pa ako nagkaganito.

Caleb's POV

Ako na lamang ang humiwalay sa halik ni Caloy.

"Ano, Caleb? Mahal mo rin ba ako?" tanong sa akin ni Caloy na seryosong nakatitig sa mga mata ko.

"Hindi ko masasagot ang tanong mo, Caloy. Alam mo namang itinuring kitang bestfriend simula't sapul. I need time." sagot ko sa kanya.

"Bakit? Dahil ba sa Epy na yun? Ramdam ko sa halik mo na mahal mo rin ako. Bestfriend kita pero mahal na kita more than that. Sana mahal mo rin ako... more than being just a bestfriend." si Caloy na lumuluha na habang nagtatapat sa akin.

*Bleep*Bleep*Bleep*

Ito ang pumutol sa moment na iyon.

Napatingin ako sa screen ng laptop ko. Magkakasunod na messages ang natanggap ko sa FB messenger.

"Mamaya na yan please. Sagutin mo muna ako. O kung gusto mo, araw araw kitang liligawan para lang mapasagot ko ang bestfriend ko, at mapasaakin ka na." si Caloy.

*Bleep*Bleep*Bleep*

"Abala naman yan! Sino ba ang kachat mo?" tanong ni Caloy.

"Sandali lang ha. Maupo ka muna at titignan ko lang baka importante yung messages." ako.

*Opening messenger*

Epy Manalastas messaged you!

Puro naman emoticons ang natanggap ko galing sa kanya.

Epy: 😭

😤

😢

😭

😭

😭

"O anong sabi? Sino nagmessage? Importante ba?" sunud sunod na tanong ni Caloy habang nakatingin sa red roses na katabi ng bouquet na bigay nya.

"Ah wala. Si Grace lang na kasama ko sa work. May ichinika lang sa group chat." pagsisinungaling ko.

"Ok. So si Epy ba may bigay nitong red roses? Nanliligaw din ba sa'yo ang lokong yun?" pagtatanong nya na tila naaasar kay Epy.

Di ko masagot ang tanong nya dahil hindi ko pa rin naman nalilinaw kay Epy kung ano ang ibig nyang sabihin sa "Gusto kita."

"Hala. Hindi na sya sumagot o. Huyy! May kausap pa ba ako dito? Hahahaha!" panggigising sa akin ni Carlo habang ako'y tulala.

"Ah. Ano nga ulit ang tanong mo?" ako.

"Wala wala. Pagod ka na siguro Leb. Sige. Magpahinga ka na. Tapos babantayan na lang kita sa pagtulog mo." si Caloy.

"Anong babantayan pinagsasasabi mo? Ano ka guardian angel ko? Hahaha. Umuwi ka na lang please. Hayaan mo muna akong magpahinga at mapag-isa. At dun naman sa tanong mo, pwede mo pa ba akong bigyan ng time? Di ko pa kasi masasagot yan e. Hindi ito dahil kay Epy. Labas sya sa usapan. Nalilito pa kasi ako, kasi bestfriend kita. Mahirap ang sitwasyon natin... Sana maintindihan mo." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Sige. Kung iyan ang gusto mo. Iiwan na muna kita para magpahinga, pero bukas, start na ng panunuyo ko sa'yo ah. Araw-araw kitang liligawan para mapasaakin ang puso mo. I love you!" at hinalikan na naman nya ako sa labi.

"Aba! Mukhang nakakailan ka na sa akin ha. Kelangan ba talaga laging may kiss?!" ako.

"Oo. Syempre. Sarap mo kasi halikan. Lasang candy. Hahahaha!" si Caloy.

"Tsansing pa more ka ha! Sige na. Ihahatid na kita sa labas. May pasok pa tayo bukas."

Pagkahatid ko sa kanya sa kotse nya ay dumiretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Di ko yata kinaya ang kilig na nangyari sa buong araw na ito.

Bakit ganun? Ganun na ba ako kaganda para gawin sa akin ng dalawang guwapong lalaki ang mga bagay na yun sa loob lang ng isang araw? Ang haba ng buhok ko ah.

Nagulat na lang ako ng may kumaluskos sa may pintuan ng kusina namin...

A Hospital Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon