Chapter 6

3.1K 45 0
                                    

Caleb's POV

Ano daw yung sinabi nya? Gusto nya ako? Bakit ako? Napatulala na lang ako sa naganap. Di ko alam kung paano magrereact.

Paanong gusto? Gustong maging kaibigan? Gusto in what way? Di ko maintindihan. Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko.

"Sir Caleb, tara na po mag-endorsement," sabi sa akin ni Khalil na syang gumising sa aking diwa.

I shook my head and tumungo na lang ako sa upuan ko para makinig ng hand-over. Tila wala akong maintindihan sa sinasabi ni Khalil. Lutang pa rin ang isip ko dahil sa ginawa ni Epy. Pero hindi, kelangan kong magfocus. Kaya pilit kong inalis sa isip ko si Epy at ang sinabi nya. Last day nila ngayon kaya wala sila sa ward dahil kelangan nila magpresent ng case sa clinical instructor nila. Buti na lang wala sya, di na ako mahihirapang kalimutan ang nangyari.

Matapos ang aking 8 hours na duty, nagmadali akong umalis para hindi ko na sya makita.

Habang naghihintay ako ng jeep, nagtitinginan sila sa akin dahil sa dalawang bouquet of roses na dala ko. Napagdesisyunan ko kasi na iuwi na lang pareho kasi sayang naman. Magaganda pa man din ang flowers. Yung isa, si Epy ang nagbigay, pero yung isa, walang card na kasama kaya hindi ko pa rin alam kung kanino galing.

Nakasakay na ako ng jeep pauwi nang may makita akong kotse na kulay blue at sumusunod ito sa sinasakyan kong jeep.

*Beeeeeeppp. Beeeeeppp. Beeeeppp.

At bumubusina pa ang kotse habang tinatry nyang mag-overtake.

"Anu ba yan? Ang ingay naman ng kotseng yan!" Sabi ng isang pasahero.

"Manong ipa-overtake mo na yung kotse. Mukhang nagmamadali e." Suhestyon ng isa pang pasahero.

Tinted ang salamin ng kotse kaya di makita kung sino ang driver. Pinalampas na nga ng driver ng jeep ang kotse.

"Loko tong kotse na to ah!" Sambit ng driver ng jeep.

Tumigil kasi at humarang sa gitna ng kalsada ang asul na kotse. At lumabas sa driver's side ang isang lalaki na nakawhite scrub suit. Dumiretso ito sa side kung saan ako nakaupo.

"Leb, baba ka na dyan. Sa akin ka na sumakay." Si Caloy.

"Oy, sakyan mo na daw si poging nurse! Nakakakilig naman. Hihi!" Sigaw ng isang baklang pasahero ng jeep.

Di ko na lang ito pinansin at bumaba na ako agad kasi nakakaabala na kami sa ibang motorista dahil sa kotse ni Caloy. Pagkasakay ko ay napansin agad niya ang mga dala kong bulaklak.

"Ang dami naman nyan. Sino pagbibigyan mo ng mga yan? Uuyy, may nililigawan na yata ang bestpren ko..." pangangantyaw nya sa akin.

"Wala ah. May nagbigay lang sa akin nito na estudyante, pasasalamat lang." ako.

"Siguro ang may bigay nyan ay ang nakasabay natin dati sa Mcdo ano? Ano nga ulit pangalan nun?" Si Caloy.

"Tama ka. Si Epy nga ang may bigay nito. Pero yung isa, di ko alam kung sino may bigay. Teka, maiba tayo, kamusta nga pala ang first day of work?" ako.

"Ayos naman. Mamaya na ako magkukuwento. Tumingin ka sa backseat, Leb." sambit ni Caloy.

Pagtingin ko sa likod ay may nakaupo doong malaking teddy bear na may hawak na 3 roses na katulad ng roses sa isang bouquet na walang card.

"Siya si CarLeb. Regalo ko yan sa'yo kasi ikaw ang Best Nurse. Congratulations, Leb!" si Caloy.

"Ang cute naman! Bakit CarLeb? Carlo and Caleb, pinagsama? Hahaha." Kinuha ko ang bear at yung 3 white roses. Sa bawat tangkay ng rose ay may nakasabit na maliliit na rolled parcels.

A Hospital Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon