Chapter 13

1.5K 32 0
                                    

Nasa labas ako ngayon ng ICU. Katatapos lang ng operasyon na ginawa kina Epy at Caloy nang makarating kami sa ospital. Madami pa kaming inasikaso sa admission nila. Kami lang kasi ang pinakamalapit na pwedeng matawagan para mag-fill-out ng admission forms. Ginawa ko na ring tawagan ang mga magulang nina Epy na nasa Maynila, at ni Caloy na magmumula pa sa Rizal.

Nahirapan talaga akong ibalita sa kanila ang nangyari sa dalawa kong kaibigan. Labis pa rin akong nagdadalamhati sa mga naganap. Nalaman kong mabilis ang andar ng truck ng softdrinks. Tumigil lamang sa gilid ng kalsada ang sasakyan nina Epy para bumili sa malapit na grocery store nang mawalan ng brake ang truck at siyang sumalpok sa sinasakyan nina Epy.

Ito ang salaysay ng mga by-standers na tumawag ng ambulansya, at ng driver ng truck na puro galos lamang ang natamo. Sobra ang paghingi nya ng paumanhin sa nangyari. Sa totoo lang ay hindi ko pa kayang mapatawad ang driver na iyon na dahilan kung bakit nasa ICU ngayon sina Caloy at Epy. Kaya umalis na lamang ako sa usapan nina naynay, ng driver at ng admission officer na nag-asikaso ng confinement.

Pero, sino nga ba ang dapat sisihin sa nangyari? Ang driver na hindi naging responsable para i-check ang brakes ng imamaneho nyang truck, o ako na syang dahilan para magdrive sila papunta sa bahay namin?

Nakaupo lamang ako sa waiting area sa labas ng ICU, mag-isa, walang humpay ang pagtulo ng luha. Hindi ko ma-imagine na ang gabi na dapat ay masaya kaming tatlo na nagsasalo sa isang masarap na dinner, ay naging isang gabi ng trahedya, isang trahedya na magdadala ng sobrang kalungkutan at guilt sa aking puso. Ako... Ako ang dahilan ng aksidente nila. Ako ang dahilan kung bakit sila nasa kritikal na kondisyon ngayon. Guilty ako. Kung hindi ko sana ininvite na magdinner sa labas sina Epy at Caloy ay hindi sana ito mangyayari sa kanila. Sa guilt at lungkot ay hindi ko pa magawang pumasok sa ICU para makita ang nakakaawang kondisyon ng dalawang lalaking nagmamahal sa akin.

"Anak, kumain ka muna ng hapunan. Wala pang laman ang tyan mo simula pa kanina. Halika, sasamahan kita kumain..." pag-aanyaya ni naynay sa akin.

"Nay, I really wanted to be alone muna. Mamaya, kakain ako kapag nagutom ako. Hindi ko pa lang matanggap ang nangyari sa kanila." ako na patuloy ang pagtulo ng luha.

"Sige. Hahayaan ka muna naming mag-isa pero tandaan mo na nasa likod mo lang kami kung kailangan mo ng mayayakap at ng balikat na maiiyakan. Mahal ka namin anak... Sige, ibibili ka na lang namin ng pagkain. Kailangan mong maging malakas para sa kanila. Huwag mong pababayaan ang sarili mo, anak." si naynay ulit.

"Opo nay. Salamat po." ako.

At iniwan na nga nila ako matapos nila akong ibili ng mga pagkain. Wala akong ganang kumain. Nakatulala lamang ako sa kawalan. Hindi gumagalaw. Madaming iniisip.

Nasa tabi ko ngayon ang mga nakuhang gamit mula sa sasakyan ni Epy. Nakalagay ito sa dalawang malaking ziplock na bags. Katabi ng mga bags na iyon ang paperbag ng Jollibee meal na binili para sa akin ni naynay. Lahat ng iyon ay hindi ko ginalaw.

Dahil na din sa nangyari ay inadvice muna ako na mag-leave muna sa trabaho ko para sa araw na iyon.

10:15pm. Labasan na ng mga galing sa 2pm-10pm duties. Isa-isa silang lumapit sa akin at nakisimpatiya sa aking dalamhati. Si Karen, na syang naghandle kina Epy at Caloy sa ICU ang syang nagpaiwan para samahan ako nang ilang sandali. Sa pag-upo nya sa tabi ko ay hindi ko mapigilang umiyak pa lalo. Niyakap nya ako nang mahigpit.

"Alam ko, Caleb, na mahirap pa rin na tanggapin ang nangyaring aksidente pero kailangan mong maging matatag. Nandyan pa sila. Hindi ka nila iniwan. Lumalaban pa rin sila." pag-uumpisa niya ng usapan.

"Nurse ka rin, Caleb, kaya alam mo ang mga pasyente na lumalaban talaga kahit nakikita mong nahihirapan na sila. Parehas silang intubated at GCS 3 pero ramdam ko na lumalaban sila (*intubated- may tubo sa bibig papunta sa baga para matulungang huminga; *GCS 3- comatose). Kapag nga binabanggit ko ang pangalan mo ay bumibilis ang tibok ng puso nila, yung parang naeexcite sila sa tunog pa lang ng pangalan mo? Si Caloy at si Epy, malakas sila kaya maging malakas ka rin para sa kanila. Kailangan ka nila, Caleb lalo ngayon at wala pa ang pamilya nila. Nais mo na ba silang makita?" si Karen.

"Hindi ko pa kaya, Karen. Hindi ko pa rin matanggap na ang nangyari sa kanila ay dahil sa akin." Naputol ang pagsasalita ko nang may dumating na dalawang babae na naglalakad papuntang ICU.

"Nurse, ako ang mommy ni King Jeffrey Manalastas. I want to see my son. Where is he?" ang pagtukoy kay Karen ng isang magandang babae na sa tingin ko ay mga nasa edad 45 lamang at mukha talagang mayaman.

"Uhmm, di na po kasi ako ang duty ngayon pero, sige Ma'am, samahan ko na lang po kayo sa ICU, nandoon po ang anak nyo." si Karen.

"Thank you, nurse, what's your name, hija?" pagtatanong ng mommy ni Epy kay Karen.

"Karen po. Just call me nurse Karen, Ma'am. Ako po ang isa sa mga nurse na naghandle sa anak nyo after nila mag-undergo ng operation." si Karen.

Nakikinig lamang ako sa usapan nila. "So ikaw ang nakakita sa kondisyon ng anak ko? By the way my name is Madame Corazon Manalastas, ang mommy ni Epy. At ito, si Misty, ang girlfriend ng anak ko. So, pwede mo na ba kami samahan sa loob ng ICU, Nurse Karen?

Nagulat ako sa sinabi na iyon ng mommy ni Epy. May girlfriend si Epy? All this time ay niloloko nya lang ako? At sobrang ganda pa ng babaeng yun. Nawala tuloy ang lungkot ko nang marinig ko ang rebelasyon na iyon.

Nakatulala na naman ako sa pag-iisip nang kausapin ako ni Karen. "Caleb, maiwan muna kita dyan ha. Sasamahan ko muna sina Ma'am sa loob."

"Sige Karen. Ok lang ako dito. Salamat." ako.

"Wait! Caleb, right? Ikaw ang tumawag sa akin kanina? Thank you for informing us. I've heard a lot about you from my son. You look so weak. Kumain ka, hijo. My son needs you." si Madame Corazon.

"Tita, what are you talking about? Epy needs nobody but us, not that freak." Misty pointing to me. "Let's go see Epy na. I'm so longing to see him na and his condition." si Misty sabay irap sa akin.

"Tara na po?" si Karen.

At umalis na nga sila at naiwan na naman akong mag-isa.

Dahil marahil sa pagod at antok ko ay nakatulog na ako sa bench na inuupuan ko.

"Caleb! Caleb! Be strong for me. I need you beside me."

Nagising akong muli nang umiiyak. Isang anino ng lalaki ang nakita ko sa aking panaginip. Tuloy ako sa aking paghagulgol nang may mag-abot sa akin ng panyo. At nang lumingon ako sa direksyon ng nag-aabot ay nakita ko si Caloy. Nakatayo sya sa gilid ko at malungkot ang mukha. Kinusot ko ang mata ko saglit at pagmulat ko ay wala na sya.

Patakbo akong pumunta sa loob ng ICU para siguraduhing hindi tama ang naiisip ko, na hindi iyon ang kaluluwa ni Caloy. Ngunit nang dumating ako doon, wala na si Caloy. Wala na ang bestfriend ko...

A Hospital Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon