Chapter 12

1.6K 29 0
                                    

"Hindeeee!!!!"

Napasigaw na lamang ako sa aking paggising. Pawisan at kinakabahan.

"Anong nangyari sa'yo anak? Anong napanaginipan mo?" pag-uusisa sa akin ng aking ina. "Bakit bigla ka na lang sumigaw? Nga pala, kanina ka pa hinihintay ng mga kaibigan mo. Andun sila sa labas."

Isang masamang panaginip lang pala ang lahat. Nasa ganito akong pagpapasalamat nang makarinig ako ng malakas na "Kkrrrriiiiinnngggg!!! Kkkrrriiiinnngggg!!!" May tumatawag sa cellphone ko pero di ko na lang pinansin dahil kailangan ko nang magmadali sa pagporma para sa dinner date naming tatlo. Siguradong nakakakilig na naman ang gabing ito.

Naynay's POV

6:45pm. Maghahain na sana ako ng pagkain naming tatlo ng anak at tatay nya nang maalala kong sa labas nga pala kakain sina Caleb at ang mga kaibigan nya. Ang alam kong usapan nila ay 6:30, bakit kaya hindi pa bumabangon ang anak ko at bakit kaya wala pa sina Epy at Caloy?

"Hon! Nandito na ako. Grabe ang traffic dun sa may kanto." ang pagbungad sa akin ng aking asawa na nanggaling sa trabaho nya.

"Mukhang grabe nga ang traffic ah. Ang late na ng uwi mo. Teka ipaghahain muna kita ng hapunan natin. Sa labas kasi magdidinner sina Caleb kasama mga kaibigan nya, sina Caloy." ako.

"Oo nga eh. Nakaalis na ba sila? Saan daw sila kakain? Sabihin mo ay mag-ingat sila. May naaksidente kasing kotse sa kanto malapit sa grocery store. Nasagasaan ng truck na pangdeliver ng softdrinks. Halos hindi na makilala ang kotse sa sobrang pagkayupi. Tapos ang daming nagkalat na basag na bote ng sofdrinks kaya nilinis muna ang kalsada bago padaanan sa mga motorista." mahabang pagkukuwento ng asawa ko sa nangyari sa labas.

"Hay naku! Hayun at tulog-mantika na naman ang anak mo. Kanina ko pa naririnig ang pag-ring telepono nya. Di ko alam kung alarm ba nya iyon o may tumatawag sa kanya. Nagtataka nga din ako kung bakit di pa sya gumising? Ang alam ko ay 6:30 ang usapan nilang dinner." ako.

Dagdag pa ng asawa ko, "Sino pa ba ang kasama dapat ni Caleb at Caloy sa dinner? Nag-alala kasi ako nang makita ko ang kotseng nabunggo, kakulay ng kotse ni Epy. Di ko ma-confirm kasi sira na ang plate number ng kotse. Kanina pa ako tumatawag kay Caleb para alamin kung ok lang si Epy, at hindi sya ang naaksidente kaso busy ang phone nya."

"Teka lang!" Napatigil ako sa paghahanda ng hapunan nang marinig ang sinabi ng asawa ko. "Sinasabi mo na kakulay ng kotse ni Epy ang naipit ng truck? Hindi kaya....? Huwag naman sana... Kasama kasi si Epy sa dinner, tatlo dapat sila nina Caloy na kakain sa labas." patakbo na akong pumunta sa kwarto ni Caleb para tanungin kung nasaan na sina Epy at para na rin tingnan ang telepono nya na kanina pa nagriring.

MCMC A&E DEPT Calling...

"Hello?" pagsagot ko sa cellphone ni Caleb.

"Hello? Sir Caleb? Sa Accidents and Emergency department po ito ng MCMC." sagot ng babae sa kabilang linya.

"Ah hello, natutulog pa kasi si Caleb. Nanay nya ito. May gusto ba kayo ipasabi sa kanya?" ako.

"Good evening po ma'am! Si Nurse Alicia po ito, kaibigan nya, sabihan lang po sana namin sya na isinugod po dito sina Jeffrey Manalastas at Carlo Espinosa, naaksidente sila mga 30 minutes ago. Nakita ko po kasi sa wallet ni Jeffrey na isa si Caleb sa emergency contact persons nya." Habang sinasabi ito ng nurse sa kabilang linya ay kinabahan ako nang sobra. Marahil ay nasa daan na sila papunta dito sa bahay nang maaksidente silang dalawa at iyong kotse na kinukwento ng asawa ko ay sya ngang sinasakyan nina Caloy at Epy. Nanghina ang buo kong katawan dahil bilang mga kaibigan sila ng anak ko, para ko na rin silang mga anak.

"Sige. Pupunta na kami dyan. Salamat nurse!" maluha-luha kong ibinaba ang tawag. At dali-dali kong ginising ang anak ko na napakahimbing ang tulog at mukhang nakangiti pa. Mukhang maganda ang panaginip nya. Wag sana syang mabibigla sa balita.

Kawawa naman sina Caloy at Epy...

Caleb's POV

"Anak! Gumising ka! May emergency! Anak! Caleb! Gising!!" payugyog akong ginigising ng aking ina.

Nang marinig ko ang salitang emergency ay bigla na lang akong napabangon. Napatingin ako bigla sa orasan, 6:50pm na. Napasobra ang tulog ko. Paano na ang usapan naming dinner nina Epy at Caloy?

"Anak! Bumangon ka na agad at magbihis!" si Naynay.

"Bakit Nay? Emergency talaga? Bakit ka ba nagmamadali? Nandyan na ba sina Epy at Caloy? Kanina pa siguro nila ako hinihintay. Napahaba ang tulog ko." ako.

"Hindi, anak. Wala sila dito. Wag ka sanang mabibigla... Tumawag yung hospital na pinagtatrabahuhan mo. Kailangan mo pumunta ngayon sa hospital." ang nag-aalalang pahayag ni naynay.

"Ano ba nangyari Nay? Bakit daw ako kailangan dun?" ako kay naynay.

"Basta! Magbihis ka na at sasamahan ka namin ng tatay mo sa hospital. Si Epy at Caloy, sinugod daw doon. May nangyaring masama sa kanila." si Naynay.

Nanlamig ang buo kong katawan sa takot. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. "Ano?! Anong nangyari sa kanila? Nay? Sinong may sabi sa'yo nyan? A-ano daw nangyari? Hindi ito maaari! Magdidinner pa kami e..." Maluha-luha at pautal kong pagtatanong kay Naynay.

"Basta bilisan mo na lang. Kailangan na nating pumunta sa hospital!" pagmamadali sa akin ng aking Naynay na halata rin ang pag-aalala sa dalawa kong kaibigan.

Ano ba ang nangyayari talaga? Parte pa rin ba ito ng isa na namang panaginip? Sinampal-sampal ko ang sarili ko para magising pero wala. Totoo na ito. Totoo nga na may masamang nangyari sa dalawang importanteng tao sa buhay ko. Napahamak pa ang dalawa kong kaibigan na labis na nagmamahal sa akin. Ang sakit sa puso. Ang bigat sa dibdib.

Walang tigil ang pag-agos ng aking luha habang papunta kami sa ospital. Ito na siguro ang pinakamasakit na pagbagtas ko sa kalsadang lagi kong dinadaanan sa aking araw-araw na pagpasok sa hospital. Ngayon kasi ay hindi bilang isang nurse at empleyado ang byahe kong ito kundi bilang isang kakilala o 'Significant Others' ng pasyente.

Hindi ko alam kung ano ang kundisyon nilang dalawa. Pero nang madaanan namin ang pinangyarihan ng aksidente at makita ko ang pagkayupi ng kotse ni Epy, napahagulgol na lang ako sa braso ng aking Naynay. Sa tagal ko nang nurse ay sigurado ako na worst case scenario ang nangyari sa kanila mula sa nakita kong damage sa kotse.

Pagtingin ko sa aking cellphone ay ang dami ko nang missed calls at messages mula kina Sir Luigi, Grasya at A&E Department. Hindi ko pa magawang buksan ang mga messages nila.

Madaming naglalaro sa aking isipan. Wala man lang akong idea kung ano ang kalagayan nilang dalawa dahil hindi ko magawang tawagan ang A&E Department, ang ICC Department, ang OR o sina Sir Luigi at Grasya para mangamusta. Parang ayokong malaman o makita ang kalagayan nila. Nakakatakot. Nakakakaba. Ayokong harapin ang katotohanang ito! Pumikit na lamang ako habang nakayakap sa braso ng aking Naynay.

"Anak, nandito na tayo..." ang aking Naynay.

A Hospital Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon