Chapter 2

5.4K 55 0
                                    

Sunday ngayon at night shift pa naman ang duty ko sa hospital. After kong kumain ng lunch, nagdecide akong magbasa ng mga comments sa blog ko hanggang sa makatulog ako. Good thing, nakapag-alarm ako ng 4pm para magsimba.

"Dude! Andito ka din! Thank you nga pala sa pagsama sa'kin kagabi. May kasama ka ba? Patabi ako ah!," si Epy na nakaporma na naman.

"Himala. Nagsisimba ka pala! Buti di ka nasunog?! Hahaha," kantyaw ko sa kanya.

"Ayan ka na naman. Nang-aalaska ka na naman. Ang pogi ko kaya ngayon."

"Sarap mo kasi asarin. Asar-talo ka kasi. Hahaha. Behave ka ha. Nasa simbahan tayo!"

Kaya wala na syang nagawa kundi suntukin na lang ako sa hita. "Ayan, magsisimula na. Quiet. Haha."

Agaw eksena talaga itong si King Jeffrey Manalastas. Halos lahat ng babae at beki ay sa kanya napapalingon nang magcommunion kami. Astig kasi at ang bango bango pa. Kaya dumidistansya ako ng konti kasi nahihiya ako sa kanya.

Isang 4th year college Nursing student si Epy na kabarangay ko. Matangkad, maputi, gwapo, isang typical hearthrob. Yung sa unang tingin ay aakalain mong maangas, suplado at mayabang. Matagal ko na syang kilala sa lugar namin kaso dahil suplado ako at umiikot lang ang buhay ko sa trabaho at bahay, di ko sya pinapansin. Loner ako at wala akong kabarkada sa barangay namin. Yan ang mga rason kung bakit di ko sya pinapansin kahit nagagwapuhan ako sa kanya.

Nagkakilala kami nung isang beses na nagduty sila sa ospital na pinagtatrabahuhan ko. I work as a general ward staff nurse sa isang kilalang private hospital. Nagulat na lang ako nang iapproach niya ako, tawagin sa pangalan ko at akbayan. Naweirduhan nga ako kasi never talaga kami nagkakilala at nagkausap sa lugar namin. Magkakasalubong man minsan ay tamang ngitian lang kami at never kami nagkausap.

"O ano kailangan mo sir?," tanong ko sa kanya habang inaalis ang pagkakaakbay nya sa akin. 'Sir' ang itinawag ko kasi nga na-awkwardan ako sa ginawa nya sa harap ng classmates nya at katrabaho ko. At di ko kasi alam kung first name agad itatawag ko sa kanya (kunwari di ko alam name nya). Para malaman na rin nya na nasa workplace ko sya at dapat ay professional ang pakikitungo nya sa isang staff nurse bilang student pa lang naman sya.

Mukhang napahiya naman sya. "Sorry. Caleb, right? Ako nga pala si Jeffrey but you can call me Epy. Sana nakikilala mo ako. Ako yung kabarangay mo," sambit niya.

At dahil pa-suplado at pa-yummy effect ako, "Ah oo nga! Kaya pala you look familiar! Kala ko kamukha mo lang. Nursing student ka pala," sabi ko.

"Grabe ka naman sir Caleb. Sa pogi kong to, wala na itong kamukha. Hihi," sabay papogi sign. "I mean, may itatanong lang po sana ako."

"Ano yun?"

"Matagal na po kayo dito?," tanong nya.

"1 year na ako dito. Yun lang ba?"

"Meron pa! Kumain ka na ba?," pahabol niya.

"OMG. Yun na ba ang itatanong mo? Kala ko naman kung anong napakaimportante! Kaya nga ako nagmamadali kasi kakain pa lang ako at marami pa ako kailangang gawin. Tapos ikaw itong nangharang sa akin at nag-aksaya ng ilang minuto ko," pasigaw kong sabi sa kanya. Medyo napainit yata ang ulo ko sa mga itinanong nya sakin. Mga walang kwentang tanong kasi. Kaya ayun, nagdire-diretso na ako ng lakad habang naiwan ko sya na parang napahiya yata sa sinabi ko. Sa sobrang guilty ko, binilihan ko sya ng ensaymada at ipinaabot ko na lang sa ka-group niyang cute din.

End-of-shift. Dahil ako ang charge nurse, ako ang magturn-over ng mga pasyente sa next shift. Endorsement time. Nagulat ako dahil andun sya sa counter, nakatingin lang sa akin. "Ay sir, pinag-oobserve ko nga pala sa ating turn-over ang mga student nurses ko. For now, si sir Manalastas muna ang mag-oobserve. Tomorrow kasi, ikaw ang mag-shadow sa kanya for charge nursing. Para daw malaman nila mga ginagawa ng team leader," sabi ng head nurse namin who happens to be the clinical instructor of these nursing students.

"Sir, mag-take notes ka ha. Magaling yang naassign sayo, si Sir Ornales, one of our best charge nurses. Matututo ka talaga dyan," sabi ni Sir Luigi kay Epy.

"Ok sir. Thanks po!," sagot naman ni Epy.

"Well then, endorsement time!," at nagsimula na nga ako magdadaldal ng mga nangyari sa mga pasyente ko. At last tapos na magrounds ang 2-10pm shift nurses at oras na para umuwi. At di ko na ulit nasilayan si Epy nung oras na yun. Umuwi na siguro.

Mag-3pm na rin at palabas na ako ng ospital nang makita ko si Epy na nakatambay sa labas ng ospital kasama yung 2 nyang kagrupo sa duty na kumakain ng sandwich at may hawak-hawak na sofdrinks. At dahil wala pa akong tsikot nung mga panahon na yun, kelangan ko pa dumaan kung nasaan sila para maghintay ng jeep pauwi. Di ko alam pero gusto ko talaga syang iwasan. Siguro dahil sobrang gwapo nya? Ayaw ko siguro ma-fall? O di ko sya feel maging kaibigan? Ah ewan! Naguguluhan ako sa nararamdaman ko sa kanya. Basta ang nasa isip ko, gusto ko nang umuwi at kumain at matulog. After kong mag-log-out sa system, dire-diretso lang ang lakad ko. Until...

"Caleb! Caleb!," sigaw niya. Dedeadmahin ko sana na parang wala akong narinig kaso sobrang lakas ng boses nya at hinabol pa nya ako. Kaya huminto na ako at nilingon ko sya. "Bakit sir?," tanong ko.

A Hospital Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon