Chapter 3

4.2K 54 0
                                    

"Itatanong ko lang sana kung ayos lang na maging friends tayo?," ikinagulat ko na lang ang tanong nyang yun kasi wala naman talaga may gusto makipagkaibigan sa'kin. Suplado talaga kasi ako at hindi ko hilig makitambay tambay at makipagkaibigan, kaya naman hindi ako makasagot sa kanya.

"Aahhm. Friends? Di ba may barkada ka na? Ayun nga sila, hinihintay ka o!" Yan na lang ang naisagot ko sa kanya. Paglingon nya sa itinuro kong barkada nya at umalis na agad ako.

Pagkauwi ko sa bahay ay nagbihis na ako at nahiga. Kaharap ang laptop ko, binuksan ko ang tangi kong napaglalabasan ng pagod at mga nararamdaman- ang aking blog. Kung di nyo kasi naitatanong, isa akong sikat na blogger sa mundong ideal para sa akin- ang internet. Dito kasi sa website ko, hindi nila kilala ang totoong ako, kaya malaya ako ditong mag-express ng mga saloobin ko. Nakakagawa ako ng kwento at tula depende sa aking mood. At dahil nga sa pagkakakilala ko kay Epy, nainspire akong simulan ang online diary ko. Dito ako nagsheshare ng mga nangyari sa akin at kung paano ko siya nakilala.

*TING* You have 1 Facebook notification.

"Epy Manalastas sent you a friend request"

"Naku, ito na naman sya. I-aaccept ko ba o hindi?" Ilang araw ko ring pinending ang request niya.

"Caleb! Caleb! Pinatatanong nga pala nung estudyante na yun kung bakit di mo pa daw sya inaaccept sa FB? Heto, pinabibigay nya nga pala." Si Grasya, isa kong katrabaho, inaabot sa akin ang paborito kong ensaymada.

Pagkalingon ko sa itinuro nya, si Epy pala ang tinutukoy nyang estudyante. "Hayaan mo sya. Sumisipsip lang siguro yan para magbigay ako ng magandang rating sa performance nya mamaya as nurse-in-charge." Sagot ko na lang sa kanya.

"Naku! Wag mo naman pahirapan si pogi. Cute pa naman. Hihihi," si Grasya na animo'y kilig na kilig. "Ipasa mo sya ha."

"Tingnan na lang natin."

Dumaloy naman ang walong oras namin sa trabaho na very smooth at walang toxic. Nakakapagod man pero aaminin ko na gumaan ang trabaho ko dahil kay Epy. Palagi syang nasa tabi ko at laging to the rescue para tulungan ako sa mga gawain, mula sa pagprepare at administer ng gamot hanggang sa pagsulat sa nurses progress notes. Magaling sya at matalino. Isa na namang napaka-unfair kasi gwapo na nga sya, matalino pa.

"Sir, kain na po tayo ng lunch. Pwede ka ba makasabay sa lunch?" Tanong sa akin ni Epy. Pasado ala-una na nyun ng hapon at gutom na rin naman ako kaya pumayag na ako sa imbitasyon nya. "Sige, tara kumain. Ipagpaalam muna kita sa CI mo." Sagot ko sa kanya.

Sa paglulunch namin na yon, mas lalo ko syang nakilala. Hindi naman pala sya ganun kaangas gaya ng first impression ko sa kanya. Para sa akin, perfect example sya ng isang gentleman. Kaya di ko napigilan ang sarili kong itanong sa kanya na...

"May girlfriend ka na ba?" Shit! Bakit ko ba natanong yun? Napakapersonal naman nun.

"Hahahaha! May aaminin sana ako sa'yo Caleb eh..." sambit niya.

"Ano naman yun? Nambibitin pa kasi eh. Bilisan mo at malapit na dumating ang kasunod na shift. Kelangan na nating bumalik sa station."

"Sige na nga, eto na... Gusto ko kasi... Uhmmm... May gusto kasi ako... *clears throat* Uhm, Caleb, ano kasi e... Ang totoo nyan... Uhmmm..."

Nakakakaba naman ang gusto nitong sabihin. Halatang kinakabahan sya at namumula na. Ano kaya yun?

"Kasi Caleb, gusto kk... gusto ko sana ako ang magbasa sa turn-over mamaya."

"Sus! Yun lang ba? Sure naman!" Sagot ko sa kanya.

A Hospital Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon