Chapter 8

2.1K 40 0
                                    

"Tok! Tok!"

At may kumakatok na nga sa back door namin. Sino kaya ito? Si Caloy kaya? Pero nakaalis na sya ah.

Madilim ang paligid dahil hindi ko na binuksan ang ilaw sa kusina. Flashlight lang sa CP ko ang ginamit ko.

"Caleb... psst! Buksan mo ang pinto."

Narinig ko na lang ang mga salitang iyon. At alam ko na hindi iyon si Caloy.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nagulat ako sa aking nakita. Si Epy.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya na halatang malungkot ang mga mata.

"Halika, sumama ka sa akin. May gusto akong sabihin sa'yo." sambit nya.

"Eh bakit hindi mo pa dito sabihin? Kelangan pa natin lumabas? Ang lamig na sa labas." pag-alinlangan kong sumama sa kanya. Halata rin kasi na may espiritu sya ng alak.

"Sige na Caleb. Sumama ka na sa'kin. Ayoko kasi makaabala pa sa mga magulang mo. Dun tayo sa kotse ko mag-usap." sya ulit na medyo nauutal pa.

Sumang-ayon na lang ako sa nais nya. Baka kasi dito pa sya mag-eskandalo. Gusto ko rin naman sya tanungin sa mga nasabi nya sa'kin kanina sa hospital.

Sa labas ng gate namin ay doon nakapark ang kanyang kotse. Pagkabukas nya ng pinto ng kotse, nakita ko na lang ang ilang cans ng san mig light. Mga limang lata yata yun. At amoy na amoy ang alak sa paligid. Tama nga ako. Nag-inom sya.

"Di ko kaya pumasok sa kotse mo. Amoy alak!" sabi ko.

"Sige. Dito na lang tayo sa likod ng kotse ko. Pasensya ka na kung kelangan ko uminom bago ka makausap. Kelangan ko humiram ng lakas ng loob sa alak e." pagpapaliwanag nya.

Epy's POV

Pagkakita ko sa pagpasok ni Caloy sa bahay ni Caleb, nagpasya na akong umalis. Naisipan ko, wala na akong laban sa isang bestfriend. Kaya eto ako ngayon sa labas ng isang convenience store, nilulunod ang sarili sa alak. Limang cans lang ng empi lights ang nabili ko sa hawak kong pera ngayon. Nang maubos ko lahat, nahiga ako sa hood ng kotse ko habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.

"Para kang bituin sa langit, Caleb. Nakikita ko at natatanaw pero ang hirap abutin. Bakit ba ako nahulog sa'yo?" sambit ko habang nagpplay ang kantang "A Sky Full of Stars"

🎶🎶🎶

Cause you're a sky, cause you're a sky full of stars.
I'm gonna give you my heart.
Cause you're a sky, cause you're a sky full of stars
Cause you light up the path.
I don't care go on and tear me apart.
I don't care if you do.
Cause in a sky, in a sky full of stars.
I think I saw you.
Cause you're a sky, cause you're a sky full of stars
I wanna die in your arms.
Cause you're a sky, cause you're a sky full of stars
Such a heavenly view...

🎶🎶🎶

At bigla na lang tumulo ang luha ko...

Teka, kelangan ko sya makausap. Kelangan ko liwanagin na gustung gusto ko sya.

Caleb's POV

"Sige dito na lang tayo sa labas mag-usap." nahiga si Epy sa hood ng sasakyan nya habang ako ay naiwang nakatayo lamang.

"Halika, tabihan mo ako dito. Panoorin natin ang mga bituin." paanyaya nya.

Sumunod na lang ako. Humiga ako sa tabi nya. At sa paghiga ko ay inilagay nya ang braso nya sa ulunan ko na parang unan. Kahit malamig ang gabi, nararamdaman ko ang init ng katawan nya.

"Ang ganda ng mga stars no?" sabi ko sa kanya.

"Oo. Kasing ganda mo." bulong nya sa akin.

"Anong sabi mo?"

"Ah wala! Sabi ko ang ganda nga ng mga stars. Parang ikaw lang. Hahaha!" sambit nya.

"Epy may itatanong nga pala ako sa'yo." pag-uumpisa ko.

"Ano yun?" si Epy.

"Yung sa sinabi mo sa akin kanina habang yakap mo ako sa hospital, ano ibig mong sabihin na gusto mo ako?" tanong ko.

Katahimikan. Mga ilang minuto ring katahimikan ang nagbida sa paligid.

"Gusto kita. Hindi ko maipaliwanag. Lalaki ako pero parang nahuhulog na ako sa'yo. Gusto kita talaga, Caleb. Gusto kitang maging akin..." dahan-dahan nyang iniharap ang mukha ko sa kanya.

Isang halik ang natanggap ko mula sa kanya. Banayad at puno ng pagmamahal.

"Para saan yon?" ako na naguguluhan pa rin sa nangyayari. Si Epy na heartthrob ay magkakagusto sa isang ordinaryong nurse? Bakit? Paano?

"Para malaman mo ang nararamdaman ko para sa'yo. Mahal na yata kita. Di ko alam kung paano, basta naramdaman ko na lang ito sa'yo." paliwanag niya.

"Pero kaya mo ba talaga akong mahalin? Lalaki ka. At hindi lang basta lalaki, napakaperfect na lalaki, guwapo, matangkad at matalino. Hindi tayo bagay. Isa lang akong ordinaryong tao na hindi kayang magmahal ng isang tulad mo. Maaari mo akong ikahiya at i-deny sa ibang tao... natatakot ako na mangyari iyon at masaktan." ako.

"Yan ba ang dahilan kung bakit si Caloy ang mas gusto mo kesa sa akin?" tanong nya.

"Hindi naman sa ganon. Bestfriend ko sya. Teka, nagseselos ka ba sa kanya?" ako ulit.

"Oo! Pinagseselosan ko sya!," sigaw sa akin ni Epy.

"Pero, kaibigan ko na sya matagal na. At ganun na kami talaga ka-close bago ka pa man dumating sa buhay ko," sagot ko sa kanya.

"Pero bakit ganun? Parang more than bestfriends pa ang turing nya sa'yo? Nakita ko kayo kanina sa kalsada. May pa-eksena pa kayo kanina kaya nagtraffic. Daig nyo pa ang mag-syota." panggigiit nya.

"Sasabihin ko sa'yo. May nararamdaman din sya para sa akin. Sa totoo nga e nagtapat din sya sa akin kanina. Kaso, hanggang bestfriend pa lang talaga ang turing ko sa kanya e." ako.

"So ano isinagot mo sa kanya?" si Epy.

"E wala. Sabi ko, pag-iisipan ko muna. Kaya yun din ang isasagot ko sa'yo. Pag-iisipan ko muna..." ako.

A Hospital Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon