Chapter 9

2.1K 33 1
                                    

Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang malaman ko ang nararamdaman nina Epy at Caloy para sa akin. At ang nakakaloka pa mga beks, on the same day pa talaga.

Naalala ko na naman kung paano ang naramdaman ko nung araw na magtapat silang dalawa sa akin. Naguluhan talaga ako! At parang alam nila na magkaribal silang dalawa sa puso ko. Mag-iisang buwan na rin nila akong nililigawan.

Yung panliligaw na discreet, kay Caloy yun. Medyo pa-men pa kasi siya. At bestfriend pa rin ang pakikitungo nya sa akin. Yun ang gusto nyang makita ng iba sa amin, magbestfriend lang. Pero minsan, pag walang masyadong nakakakita sa amin, andyan na yung HHWW, mga pasimpleng yakapan, at minsang pagnanakaw nya ng halik. Hindi kami madalas magkita dahil nasa kabilang ward sya naka-assign. Pareho kaming busy lagi sa duty. Nagkakatext kami minsan pag may time sa duty para magkasabay sa pagkain o makapagnakaw ng sandali para makapag-usap. Dinadalhan nya ako lagi ng kisses. Alam nya na isa sa mga favorites ko ang kisses. Minsan kasi, sa sobrang busy sa ward ay hindi na kami nakakakain, kaya yung kisses na lang ang kinakain ko. Glucose loading lang para hindi mahimatay sa gutom. At kapag magkakasabay kami ng schedule, lagi kaming kumakain after duty sa labas. At dahil bestfriend ko sya, alam nya ang mga ayaw at gusto ko. Kaya nga wala syang kahirap-hirap na i-please ako. Masaya akong kasama sya. Si Caloy na bestfriend ko, maging boyfriend ko na kaya?

Si Epy naman, dahil fourth year na sya sa Nursing, busy na din. May weeks na nasa malayo sila nagduduty kaya madalang na lang kami magkita. Pero lagi mo naman sya makikitaan ng effort. Laging may text at call. Pag hindi ako makareply, papasahan pa ako ng load. Ayaw na ayaw nyang hindi ko sya ma-update sa mga gagawin ko. Pinakamatagal na sigurong di kami nagcommunicate is kapag nasa duty ako at nasa school or duty sya. Minsan lang kami magkita pero bongga naman sa effort. Nandyang magdate kami sa fine dining na restaurant. May mga flowers minsan at chocolates. Siya yung ma-effort talaga at i-memake sure nya talaga na mahuhulog ka sa mga ginagawa nya (bukod pa yung napakagwapo nya) Sino bang hindi talaga mag-fafall sa kanya? Si Epy na crush ng bayan, maging only mine na kaya?

Eto ako ngayon, nakatulala sa mga nangyari sa akin sa nakaraang buwan- isang roller coaster ride of emotions kasama ang dalawang sumusuyo sa aking puso. Sino ba talaga ang pipiliin ko?

Inaupdate ko na ngayon ang aking secret blog. Yung kwento naming tatlo, ginawa kong short love story. Syempre, iniba ko ang mga pangalan namin para na rin sa privacy namin. At nang magstart ako sa story namin, napansin ko na dumami ang followers at readers ng blog ko. In just one month, umabot na ng 2,300 ang followers ko. Wow! Pumatok ang love story namin. Naging secret diary ko ang blog ko. Madaming reactions at comments.

Isa pa nga sa mga comments ay:

"Sobrang nakakakilig itoo! Ang haba nga hair ng bida. Akin na lang ang isa. Kung ako sa'yo, ang piliin ko ay si bestfriend!"

"Pang teleserye ang storyline."

"Two thumbs up ako dito. Galing mo author. Sana ang makatuluyan ng bida ay ang tunay na magpapaligaya sa kanya."

At madami pang praise comments sa akin. Napaisip tuloy ako kung magsulat kaya ako ng libro? Hahahaha!

*Bleep*

You have one new follower

"superman07"

*Bleep*

superman07 commented: "Ang ganda ng story mo. Very familiar ang characters at background. Naintriga tuloy ako sa'yo, author. Gusto kita makilala. Hope you can notice me."

Nanlamig naman ako sa kaba dahil sa comment nya. Sino kaya itong si superman07? Kakilala ko kaya sya? Pano kung si Caloy o si Epy ito? Nagreply ako sa kanya.

A Hospital Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon