Chapter 1

9.3K 98 2
                                    

Ako si Caleb. At ito ang kwento ko.

"Dude! Tara mag-inom!" yan ang gumising sa aking mahimbing na pagkakatulog sa aming verranda. Ala-6 na pala ng hapon. Napahaba ang tulog ko. Galing kasi akong night duty nung nakaraang araw kaya ganon na lamang ang antok ko.

"Epy! Tara pasok ka!" Paanyaya ko sa makisig na lalaking nasa labas ng gate namin. Sakay sya ng motor nyang red na kasing astig din nya. Nakajacket sya nung gabing yun at nakamaong shorts na fit. "Dyan mo na lang i-park sa tabi ng kotse ko ang motor mo."

"Aba, andyan ka pala Epy. Halika at saluhan mo kami sa hapunan. Mukhang madami yata yang dala mong empi. Kelangan may laman ang sikmura nyo." Sabi ng taytay ko na di ko alam kung bakit napakasupportive sa pag-inom inom ko. "Sige po tito. Nakakain na po ako sa labas. Naisip ko lang mag-inom ngayong gabi tutal wala naman pasok bukas," sambit ni Epy sabay mano sa naynay at taytay ko. "Dun na lang muna ako sa kwarto mo maghihintay trops," tapik niya sa balikat ko.

After naming kumain, pinuntahan ko agad ang naghihintay na si Epy sa aking kwarto. Nandun sya, nakahiga sa aking kama habang nagpefacebook sa kanyang iPhone 6. "Tapos ka na kumain?" tanong niya. "Oo. Busog na busog ako. Hahaha," sagot ko sa kanya. "Sige, ipatunaw muna natin ng kaunti yang kinain mo bago tayo mag-inom." Habang nagpapatunaw ng kinain, binuksan ko muna ang laptop ko at nagbrowse sa aking facebook at blog. Wala pa ring bago. Same same. *scroll*scroll*scroll* TING! *1 message from Epy Manalastas*

*Opening chatbox*

Epy: Tara na! Simulan na natin. Ang busy busy mo naman dyan. Sino iniistalk mo dyan sa facebook?

Ako: Gago! Wala! May pachat chat ka pang nalalaman e magkasama lang naman tayo dito.

Epy: E kasi nakakahiyang abalahin ka. Busy ka e.

"Tara na nga. Simulan na natin yang dala mong empi at ng makatulog na tayo," sabi ko sabay hila sa paa nya.

Pasado 7pm na kami nagsimula mag-inom. Napagkasunduan namin na sa verranda na lang kami para presko. At dahil dalawa lang kami, inabot kami ng 3 oras para maubos ang 3 bote na dala nya. Puro kwentuhan at halakhakan lamang ang naging pulutan namin ng maubos ang dala nyang chichirya at ulam na inihain ng naynay ko. Marami kami naging topic, napag-usapan namin ang trabaho ko at ang pag-aaral nya pati na rin lovelife nya. Sobra na ang daldal nya pag nalalasing kaya halos sya na lang ang maririnig mong maingay sa bakuran namin.

Nang malapit na maubos ang panghuling bote namin, nag-iinit na ang pakiramdam ko, senyales na lasing na lasing na nga ako. Siguro ay pulang pula na rin ang mukha ko sa mga oras na iyon. "Ang init naman!" sabi ni Epy. "Pano ba naman hindi ka maiinitan e nakajacket ka pa rin hanggang ngayon. Subukan mo kayang hubarin yang jacket mo para mapreskuhan ka," sagot ko sa kanya. Nang ibaba nya ang zipper ng suot nyang jacket, ay lalong nag-init ang pakiramdam ko dahil sa aking nasilayan. Wala pala syang suot sa ilalim ng jacket. "Ayos lang ba na nakahubad ako habang inuubos natin to?" taas niya sa huling bote ng empi namin.

Napalunok ako ng laway dahil di ko alam na ganun pala kaganda ang katawan nya. Maputi sya at very lean ang katawan. May konting muscles at ang prominent na mapapansin mo ay ang well-defined abs nya. Dagdagan mo pa ng karug at mabuhok na kili-kili. Kapag kasi naka-tshirt o uniform na pang-student nurse kasi siya, aakalain mong payatot sya.

"O-o-o naman. Tayo tayo lang naman ang nandito. Saka sa payat mong yan, wala naman magnanasa sayo," sabi ko sabay halakhak.

At napansin ko na lang na biglang nagseryoso ang mukha nya. Mukhang may nasabi akong foul sa kanya. Walang sabi sabi ay tumayo sya at bigla na lang iningudngud ang mukha ko sa kili-kili nya. Medyo mahina na rin ako sa mga oras na yun kaya nagtagal ng mga 3 minuto ang ganung posisyon namin hanggang maitulak ko sya ng malakas at lumupasay na sya sa sahig ng aming verranda. *In fairness naman, mabango yung kili-kili nya kahit napawisan na sa kasusuot ng jacket*

"Hayup ka! Ang baboy mo trops!" Sigaw ko sa kanya na wala pa ring tigil sa paghalakhak habang nakahiga sa sahig. "Payatot pala ha. E kahit lasing na ako mas malakas pa rin ako sayo e. Hahahaha," sambit nya.

"Tawa ka pa dyan! Di mo na nga kayang tumayo dyan e. Kala mo naman e napakabango ng kili-kili mo! Amoy anghit! Amoy pawis! Ano ba gamit mong deodorant?! Bayabas ba? Hahahaha!" pang-aasar ko sa kanya.

Sa kakatawa ko, di ko napansin na nakabangon na pala sya at akmang uulitin na naman ang ginawa nya kanina. Kaya ayun, nasapul na naman ang mukha ko sa isa nyang kili-kili. And WTF, bakit ang bango bango pa rin nya? Samantalang ako, feeling ko ang lagkit lagkit ko na at wala nang freshness. Ang unfair talaga ng mundo. Gwapo na, maganda pa ang katawan tapos wala pang ubos ang bango nya. At dahil sa ginawa nyang yun, nagpangbuno na kami sa sahig na parang dalawang batang nagrewrestling. Ang kinatapusan ay natalo ako dahil sa kiliti ko sa bewang. Hawak nya ang dalawa kong braso na nakataas sa ulo ko, at ang mga paa ko ay dinaganan ng mga paa nya, at walang tigil nya akong kiniliti ng kiniliti.

"Ahahahaha! Tama na please! Ahahahahaha! Ayoko na! Tigilan mo na! Ahahahahaha!"

"Ano, sino nga ulit ang payatot? At mabaho ang kili-kili? Sagot!"

"Wahahaha! Wahala! Ang sexy mo nga trops at ang bangoo bango ng haha kili-kili mo! Please tigilan mo na to! Hahahaha!"

"Good." At agad nya namang tinigilan ang pagkiliti sa akin pero dahil marahil sa pagod ay lumupasay na sya at dinaganan ako. Hingal na hingal kami pareho. "Trops! Alam ko namang sexy ka pero mabigat ka rin kaya. Pwede, bumangon ka para makahinga naman ako." Pero ang totoo, ayokong maramdaman nya ang nabuhay kong pagkalalaki dahil sa posisyon namin. Nakakahiya na isipin nyang tinigasan ako dahil sa kanya.

Dun na natapos ang gabi namin.

Kinaumagahan, 10am, nagising na lang ako sa aking kwarto. Di ko na namalayan kagabi na nakapunta pa pala ako sa aking kwarto para matulog. Pagkababa ko para mag-almusal, tinanong ko si manang kung ano nangyari kagabi at nasaan si Epy. "Naku, lasing na lasing kayo kagabi. Nakita ko na lang kayong magkaibigan na nakahiga at natutulog sa sahig ng verranda. Nagising si Epy nun at sya ang nagbuhat sayo sa kwarto. Medyo nahimasmasan na daw sya kaya nagsabi na uuwi na lamang siya at di ka na daw gigisingin para magpaalam," sabi ni manang.

"Aa. Okey," sagot ko.

"Kain ka na."

A Hospital Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon