AmanoIchigo1234 thank you for sharing your story.
~*~Sa bahay ni mamy (lola ko) may mga nagpaparamdam. Noon kasi ay plywood lang ang 2nd floor ng bahay nila noon. Minsan nakwe-kwento nila sa amin na may nagpaparamdam sa 2nd floor. Hindi pa kasi basbas ang bahay nila nung time na yun.
Kasi diba, plywood yun na kapag umapak o dinaanan mo ay nagkakaroon ng sound na parang magigiba o 'creek' kumbaga.
Minsan may makikinig ka nalang sa itaas na may naglalakad o kaya naman ay tumatakbo. Kahit wala namang tao. One time may naglalakad na mabigat ang paa na dinig na dinig mo talaga.
Napapamura nalang ang lola ko. Something like this:
"Tang*na mo! Kapag ako nakakuha ng pari lalayas ka sa bahay na ito! WALA PA AKONG PERA NGAYON EH!"
Minsan naman, kapag madaling araw. Magigising nalang sila dahil may nagshoshower sa cr nila. Eh wala naman naliligo ng madaling araw sa kanila, madalas tanghali maligo.
~*~
Sa hotel na pinagtatrabahuhan ng aking lolo, madalas kaming mag stay doon sa 'parang' condo unit. Gabi at nanonood kami ng horror movie kasama ang tita ko sa sala. Nakaupo kami sa couch, ang aking lolo na nasa kwarto at ang lola ko na nag-uuli lang.Maya maya ng konti, biglang namatay ang tv. Natakot kami dahil syempre horror ang pinapanood namin at baka lumabas ang multo sa tv. Chos! Hahaha!
Lumapit ang tita ko sa likod ng tv, tanggal na ang saksak nito sa outlet. Nagtaka kami dahil imposibleng matanggal ang saksak nito.
Bigla ring namatay ang ilaw sa loob ng kwarto kung saan nagsusulat si lolo sa loob.
"Walangya kang multo ka, nanonood ng tv at nagsusulat ang asawa ko! Bastos kang multo ka!"
Maraming beses na nagpaparamdam sa aming tahanan at kahit saan man kami magpunta. Sa halip na matakot kami ay nawawala ang aming takot dahil sa lola ko. :)
BINABASA MO ANG
True Filipino Horror Stories
Horror#2 ghost - Highest ranking #32 horror-thriller #8 guide Ito po ang koleksyon ng aking mga karanasan at karanasan ng iba pang bumahagi ng kanilang istorya. Pwede niyo po akong i-pm para mai-share ang inyong mga karanasan, mga kababalaghan.. enjoy...