Afro Girl at ang iba pa.

279 2 1
                                    

Ito lamang po ay kwento sa akin ng aking new friend ko.

~*~

J's POV

When I was 6 or 7 yrs old that time... we lived at Q.C at di ko na sasabihin kung saang part ng Q.C hahaha!

Di naman kami ganun kayaman. Isang simpleng pamilya lamang kami at mayroong 2 storey house.

Hindi ko ba alam kung bakit tuwing gigising ako ng madaling araw ay nakakakita ako ng isang babae.

Magkakatabi kami sa 2nd floor ng bahay namin. Minsan magigising nalang ako ng madaling araw. At sa tuwing magigising ako, mapapatulala nalang ako sa hagdan ng aming bahay...

May babaeng umaakyat sa hagdan. Walang saplot ang kanyang katawan at punong puno ito ng dugo, ang kanyang buhok ay parang isang afro. At ang pinaka nakakatakot ay ang kanyang mga mata, kulay itim na may halong kulay pula. Hindi ko maipaliwanag pero sobrang nakakatakot ang kanyang mga mata.

Syempre bata pa naman ako noon, ang ginagawa ko nalamang ay ang balewalain iyon at tumabi nalang sa aking ama at ina.

Madalas itong nagpapakita sa akin, simula nang nasunog ang aming bahay at lumipat na kami ng tahanan ay hindi na muli ito nagpapakita. May kaunting parte ng bahay namin ang naisalba, at sa tuwing magbabakasyon ako doon ay nagpaparamdam rin ito, hindi na sa hagdan ngunit sa banyo naman... minsan siyang sumisilip at nakakatakot tuwing ako lamang ang mag isa sa bahay.

~*~

Pagkatapos masunog ng aming tahanan noon ay lumipat na kami sa Pampanga. Minsan nakakaramdam ako ng kung ano na gumagalaw na anino sa aming bagong bahay tuwing gabi.

~*~

One time, kausap ko ang gf ko sa telepono. Napadaan ako sa bodega kakahanap ng signal ng wifi namin kasi nasa bahay ako ng mga pinsan ko sa tapat lang ng bahay namin.

Naghahanap ako ng signal at nang nakahanap na ako ng magandang pwesto sa bodega ay nagulat ako at tumaas ang balahibo ko sa buong katawan ng may bumulong sa akin. Na napa-balikwas ako ng takbo pauwi ng bahay.

"Masaya ka na ba?"

Buong buo ang boses ng lalake. Imposibleng ang tiyuhin ko yun, na namatay sa bodega namin. Dahil iba ang boses ng tiyo ko...

Ano kaya yun?



True Filipino Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon