Youth Encounter Part 2

383 5 1
                                    

Di ako namamalik-mata. Andun sila.

"Okay! Nakapwesto na ba ang lahat?" Sigaw ng moderator namin. Kaya napatingin ako kay Sir at nagsimula nang maglakad papunta sa upuan sa may terrace ng lobby. Katapat ko si Andrei.

Bawat isa ay may kaharap at mag swi-switch ng upuan ang first line. Swerte ko at ang linya namin ay ang hindi pa iikot. Dapat daw puro mga positive ang sasabihin sa bawat taong madadaanan.. bawal daw ang negative..

Puro kabolahan lang nman ang naririnig ko sa mga lalakeng nakakatapat ko eh.. hays mga lalake nga naman.. hahaha

Medyo malamig sa pwesto namin sa labas kasi gabi na at medyo mahangin. Medyo madilim din kaya napapalibutan kami ng mga kandila kahit meron namang kuryente.

Puro positive lahat ng nakukuha ko. At satisfied ako sa mga naririnig ko. Then ayun. Bumalik na si Andrei sa harapan ko at this time kami namang linya ang iimik at iikot.

Nangangalay na ang panga ko kakangiti. Minsan wala na akong maimik sa kaharap ko.

Patapos na ng malapit na ako lumipat sa tapat ni Andrei. Nawala ang mga ngiti ko nang makitang papalapit na ng palapit sila..

Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at nanunuyong lalamunan ay napaluhod ako sa sakit ng dibdib ko. Di ako makahinga ng maayos.

Nagulat ang ilan sa nangyari sa akin at tinulungan akong itayo ng mga lalake kong kaklase na ang nangunguna ay ang nakita kong nagaalalang mata ni Andrei. Binuhat ako ni Andrei at pumasok  siya sa dorm namin at inihiga ako sa malapit na kama.

Nagsi-sunuran ang mga kaklase ko at sinisilip ako.

"Magpahinga ka muna iha" sabi ng moderator sa akin..

"Ang iba ay pumunta na ng Hall... may activities pa tayo." dagdag pa ng moderator.

"Sir ako na po ang magbabantay" sabi ni Andrei at pinayagan naman siya.

Kaming dalawa lang ni Andrei ang andito sa dorm ng girls.

"Matulog ka na at babantayan kita dito."

Tumango nalang ako sa kanya at nagsimula nang matulog..

Pagkagising ko ng umaga ay madami dami na rin ang naliligo sa cr at naligo na rin ako.

Sa pinaka dulong cubicle ako naligo. Napapaisip nalang ako na bakit kailangan sa akin pa sila magpakita.. bakit ako? Ako lang ba ang nakakakita sa aming magkaklase? Sa dinami dami namin dito bakit ako pa?

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumalik na ako sa higaan ko. Dinig kong naiyak si Marie at pinagkakaguluhan siya ng mga babae kong kaklase.

"Nagising ako ng madaling araw. Sobrang dilim pa. Kinig na kinig kong may kumakatok sa pangatlong cabinet." dinig ko habang naiyak si Marie..

Bigla akong kinilabutan at napansin kong kahapon pa tahimik ang maingay kong kaklase na si Angel.

Napansin ko rin na may hawak siyang rosaryo.  Nilapitan ko siya at tinanong..

"Nakikita mo rin ba?"

Hinawakan ni Angel ang kamay ko at binigay sa akin ang rosaryo.

"Ikaw rin pala. Sa iyo muna iyang rosaryo ko habang hindi pa tayo nakaka alis dito. Last day na naman natin eh. Baka mapahamak ka na naman." Nakangiti niyang sabi sa akin. Nginitian ko rin siya pabalik.

"Salamat"

"Bigay pa sa akin ang rosaryo na iyan ng lola ko. Kapag may mga ganitong activity sa school ay pinapadala niya iyan sa akin." -Angel

"Bakit naman ipinapadala pa sayo?"-Ako

"Kasi lapitin ako sa mga masasamang espirito o gala na espirito. Siguro hindi pa natatahimik ang mga kaluluwang andito. Magdasal nalang tayo mamayang hapon bago umalis dito.."-Angel

"Sana lang matahimik na sila. Sana tayo na ang huling papakitaan nila" -ako



This year 2017 retreat naman ang kasunod...

True Filipino Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon