Duwende

143 0 0
                                    

Maraming salamat sa mga sumusubaybay sa aking koleksyon ng mga katatakutan na nangyayari. Maraming salamat po sa mga mambabasa. Maraming salamat rin po sa mga nagbabahagi ng kanilang mga kuwento.

~~~~

Mula po ito sa totoong buhay. Nabura na ito sa aking isipan ngunit naalala kong muli ang pangyayari sa aking kuya noong 13 yrs old palang siya at ako ay 11 yrs old. Madalas kasi ang kuya ko sa labas ng bahay, palagi siyang lumalayas at pumupunta kung saan saan. 

Isang araw nilagnat si kuya, hanggang sa magpatuloy tuloy na ito at umabot ng isang linggo. Sa bawat araw na lumilipas, kada alas tres ng madaling araw, nagdadabog si kuya. Para siyang sinasapian ng kung ano. Nabubuhat niya ang mga bagay na mabibigat sa aming kwarto, ang mga durabox na tinumba niya at binubuhat ang malaki naming electric fan at tinatapon. 

Naaalala ko pa na niyayakap siya ni papa para tumigil sa pagdadabog. At pagkatapos nun, matatahimik si kuya at magigising. Palagi niyang tinatanong  na "Bakit kayo nandito lahat?" o di kaya ay "Bakit ako buhat ni papa?"

Dahil lumaki ang mga magulang ko sa isang probinsya, naniniwala sila sa mga espiritu na hindi nakikita ng ating mga mata. Sa probinsya nina mama, tumawag sila ng isang albularyo at doon nalaman kung bakit nagkakaganoon ang kuya ko. Dahil nagambala niya daw ang isang puting duwende. Wala naman daw dapat ipagkaila dahil mababait naman daw ang mga puting duwende. Naalala ng kuya ko na siya daw ay umihi sa may looban dito sa may subdivision namin. Bumalik sila doon at nag alay ng pagkain at humingi ng paumanhin.

Simula ng ginawa yun. Hindi na nilalagnat ang kuya ko at hindi na nasasapian. 

~*~

-MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon