Demonyo nga ba ?

134 0 0
                                    

Kagabi ito nangyari sa akin. Hindi ko makalimutan ang mukha ng nakita ko. Sisimulan ko na ang kwento ko.

Nanaginip na ba kayo sa isang panaginip? Hindi ko alam kung tama ba ang pagka likha ko ng pangungusap.

Natulog ako ng katabi ang kapatid ko. Magkatalikuran kami. Palagi akong naka tagilid matulog. Nananaginip ako na may kasiyahan o sama sama dito sa aming bahay na parang reunion ng aming pamilya. Nagkakatipon tipon kami sa gitna ng sala hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa sahig, nakatagilid tulad kung paano ako natulog. Nagtataka ako dahil lahat ng aking kamag anak ay nakapalibot at nakatingin sa akin mula dito sa sahig. Lumingon ako sa gawing kanan dahil nakatagilid akong humiga at naka harap sa kanan.

May isang lalake, mid-age parang mga 40 pataas. Kalbo siya, matangos ang ilong. Nakatitig siya sa akin. Ngumiti siya at naging pula ang kanyang buong katawan at nangitim ang kanyang mga mata. Hanggang sa dumilim ang paligid, nawala ang aking mga pamilya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makagalaw at magkatitigan lang kami ng nasa harapan ko. Para kaming nasa staring contest. Hindi ko alam kung ano ang itatawag sa kanya. Nang maisip ko ang salitang 'Demonyo'

Doon na ako simulang kabahan. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa kwarto namin, nakahiga sa kama at magkatalikuran kami ng kapatid ko. Hindi pa rin nawawala ang nasa harapan kong demonyo!

PILIT KONG GINAGALAW ANG AKING KATAWAN.

PINIPILIT KONG ABUTIN AT KULBITIN ANG AKING KAPATID.

PINIPILIT KONG MAKAWALA SA PANAGINIP NA ITO!

ILANG BESES KO NANG NARANASAN MA SLEEP PARALYSIS!

Pumikit ako at napabangon sa kama. Habol hininga kong ginising ang kapatid ko.

"NANAGINIP AKO. NAKITA KO ANG DEMONYO!" hindi ko mapigilang hindi mag histerikal. Hindi ko kayang solohin ang nakita ko sa panaginip ko.

Hanggang ngayon na isinusulat ko ang kwento na ito, pakiramdam ko may nakatitig sa akin ngayon.

by Ms. Author



-MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon