Picture

238 2 1
                                    

~My friend's story and her POV~

May vacation house kami sa Vigan, kumbaga pinupuntahan lang naman iyon kapag bakasyon o may family gathering o kahit ano pang importante na events...

Nagkakatuwaan ngayong gabi. Picture dito picture doon. Kain dito kain doon. Medyo hindi ko na matandaan kung ano nga ba ang dahilan kung bakit kami nagcecelebrate that time... because it was 3 yrs ago na yata...

Nasa garage kami ng bahay dahil dito naganap ang party kuno, tutal malaki naman ang garahe ng bahay...

"Picture muna dito!" Sabi ng tita ko na katabi ko lang.

Yung tito ko na may hawak ng camera, lumapit sa amin at pinicturan kami. Smile smile syempre tapos wacky hahaha.

Kinabukasan ini-post ng tito ko yung pictures sa celebration namin kagabi. Hinanap ko yung picture namin ng mga tita ko...

Napansin ko na may kakaiba sa picture namin. May batang babae na naka bestidang puti sa tabi ko. At medyo blurred pa ang mukha niya.

Natakot ako dahil wala namang bata kagabi na tumabi sa akin at hindi ko naman yun pinsan ko kung ano na related sa akin...

Hiniram ko sa tito ko yung camera kagabi at sinilip ko lahat ng pictures namin kagabi... sa ibang pictures nakikita yung bata, nakasilip, nakatayo, nakangiti...

Pinakita ko sa tito ko iyon .. Napilitan yung tito ko na dinelete yun dahil memorable ang araw na yun... pati sa fb dinelete rin yung pictures...

Nakakapag taka lang, bakit may ligaw na kaluluwa ng bata dito sa vacation house namin...

True Filipino Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon