Call Center

194 0 0
                                    

Ang storya na ito ay mula sa aking tita na nagtatrabaho noon sa Call Center sa Cebu. Pina-type ko ito sa kanya kaya point of view niya po ang magagamit and not story telling. Maikli rin lang po ito.

~*~

Matagal-tagal nang panahon simula ng umalis ako sa call center na pinagta-trabahuhan ko. Medyo malabo na ang memorya ko about sa building pero di ko makakalimutan ang kaisa-isang pangyayari na nangyari sa amin ng mga katrabaho ko.

Malalim na ang gabi at siguro mga nasa 5 o 7 nalang kaming tao na nasa station namin. Umalis na rin ang Head namin sa Call center that time. Maya-maya ng kaunti ay tumunog ang walkie talkie kung saan konektado sa room ng Head namin. Wala namang tao dun.

Alam naman nating lahat na , tumutunog ang walkie talkie kung may nagbabadyang umimik sa kabilang walkie talkie nagulat ang lahat ng kasamahan ko except sa akin dahil hindi naman ako matatakutin.

May batang nagsasalita ng "Hello" ng ilang beses sa kabilang walkie talkie kaya lahat kami natakot. Bawal umakyat ang mga bata sa building kaya imposibleng may batang naglalaro sa office ng Head namin. Hindi parin tumitigil ang bata kaka-hello kaya pumunta ako sa walkie talkie sa aming station at kinausap ang bata.

"Hello" rin ang sinabi ko sa bata at halos mabitawan ko ang walkie talkie ng nagsalita ulit ang bata pero sa mademonyong tono ng boses.

"Where is my mommy?"

~*~

-MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon