Paramdam

348 6 2
                                    

A/N: Share sakin ng kaibigan ng kaibigan ko hehehehe.

So here it goes! Sana magustuhan po ninyo!

:)

~*~
POV ng kaibigan ko.

Matagal nang nawawala ang aking kapatid. Lalake siya. Last 2014 nagswimming sila ng kabarkada niya sa Kwebang Lampas sa Pagbilao, Quezon... Noon maganda pa ang Kwebang Lampas noong panahong di pa ito masyadong kilala, pero ngayon dumarami na ang mga basura doon.

Anyway, sabi ng kanyang mga kabarkada ay bigla nalamang daw nawala si kuya at ang girlfriend niya kinaumagahan. Doon kasi sila nag camping over night.

At hanggang ngayon ay umaasa parin kaming mahahanap namin sila. Maraming nagsasabi na baka nagswimming ang dalawa nung kinagabihan at nalunod o naanod sa malayo. Kaso wala. Umaasa parin kaming dadating silang magkasama. Ngunit may ka-unti rin kami na nawawalang pag asa. Dahil sa kanilang pagpaparamdam sa amin.

Sabi ng papa ko ay napapanaginipan daw niya si kuya, nasigaw raw ito sa kanya at mukhang nanghihingi ng tulong. Samantalang ako, hanggang ngayon ay binubulabog parin ako tuwing ako'y natutulog.

Palagi kasing umuuwi si kuya ng gabing gabi o di kaya naman ay madaling araw na. Sanay akong lagi niyang tinatawag o sinisigaw ang pangalan ko para pagbuksan siya ng gate.

Lagi nalang akong napapabalikwas ng bangon tuwing madaling araw dahil sa sigaw ni kuya. At syempre, ako naman ay umaasang nakauwi na si kuya kaya bababa agad ako para silipin sa labas... kaso wala. Hanggang sa tatambay nalamang ako sa terrace namin kahit sobrang lamig. Habit ko nang tumambay tuwing gabi o madaling araw sa aming terrace..

True Filipino Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon