Chapter 3 Oo o Hindi?

561 38 12
                                    

Chapter 3

Oo o Hindi?

Ako si Moon Stone, ang pinakagwapo sa buong Best Absolute Perfect. Inihulma ang katawan ko ayon sa preference ng mga nag gagandahang kababaihan. Buhok pa lang, ako'y tinitilian na. Pati nga manager namin napapatili sa galit sa akin.

"Moon Stone, anong kalokohan na naman ang nabalitaan ko? Kailan mo ba tatantanan si Qwerty? Sasabihin ko kay direk na di ka na sasama sa play!" bulyaw nya sa akin.

Bakit? Dahil lang don tapos na ang kasiyahan ko? At sinong ipapalit nila? Si Antonio? Si Toniong gwapo at hunk kagaya ko? No no no!

"Hindi po pwede. Saka malapit na ang play! Hindi pwedeng bigla na lang akong magbackout!" sagot ko. Oh please...

"Aba, marunong ka na sa akin ah?" Oops! Pano na 'to? Baka  di lang sa play ako matanggal. Baka pati sa B.A.P. Haay buhay nga naman...

"Sya nga pala, isipin mo muna ang fanmeet nyo. Saka na muna itong gusto na ito."

"Di ko naman kasalanan eh." bulong ko. Si Tyrell kaya nagsabi nun, sinunod ko lang naman.

Kinuwento ko lahat ng mga pag-uusap namin ni manager kanila leader. Pero imbis na kaawaan nila ako, pinagtawanan nila ako. As usual, ano nga ba ang role ko sa mundong ito? Di ba nga, ako ang kwelang si Stone. At di na yon matatapos.

"Sabi naman kasi sayo eh. Kung hindi mo makuha sa santong dasalan, daanin mo sa santong paspasan!" payo ni Etzel.

"Ugok! E ikaw nga dinaan mo rin sa santong paspasan, ayan hiwalay na kayo ni Jane mo." sabi Gunther sa kanya. Umagree naman kaming lahat dahil yun din ang palagay namin.

"Wow!Ako na nga itong nagpapayo, sa akin nyo pa binalik ah! Pero di nga, kung hindi mo makuha si Qwerty sa ganyang style, bakit hindi mo gawin yung sinasabi ko?" sabi ni Etzel.

"E ano ba kasi yung sinasabi mo?" tanong ko.

"Ang point ni Etzel, lasingin mo tas dalhin mo sa kama." paliwanag ni Clayne. Binato naman siya ng unan ni Tyrell.

"Para saan yon?" galit na tanong ni Clayne.

"Para sa utak mong berde. Hindi naman dapat ganon eh." sabi ni Tyrell.

Sumingit naman si Gunther, "Nako nako! Mga nagmamarunong. Sa akin kasi kayo makinig!" inagaw niya ang atensyon naming lahat at umubo ng bahagya.

"Sino kaya yung torpe na nanligaw sa number one bratinella ng Venus Arria University?" tanong nya.

"Ikaw" sabay-sabay naming sagot.

"Ngayon, sa akin kayo dapat matuto." Okay, siya ang leader dapat makinig. Pero dapat ba pati dito sa gantong bagay sa kanya kami makinig? E baka mabugbog lang ako ni Qwerty katulad ng ginagawa sa kanya ni Azriel eh.~~

"Kain na lang tayo, wala tayo makukuha sa pangaral ni leader.." sabi ni Zero na nakahawak na sa tyan nito.

"Tama! Tama!" sigaw ni Etzel. Kaya nagsitayuan na kami lahat maliban kay Gunther at handa nang bumili ng pagkain sa labas.

"Aba, ang babastos nito ah!" sigaw nya pero hindi na namin siya pinansin.

"Wait lang! Wait for me!" sigaw nya sabay bato sa lapag ng sapatos na susuotin nya.

Nasa loob kami ng isang food court medyo malapit lang sa dorm namin. Medyo disguise kami ng kaunti. Kami ni Clayne ay parehas nakasuot ang hood ng jacket sa ulo namin, Sina Gunther, Zero at Tyrell naman ay kapwa nakashades. Si Etzel naman ay nakasuot ng face mask at sumbrero.

At kahit naka get-up na kami ng ganto, may mga nakakakilala pa rin sa amin. Hindi na maiiwasan yon. Wala eh. ang gwapo namin. Haha. Biro lang.

"Ano gusto nyo?" tanong ko sa kanila.

Best Absolute Pogi (BAP Book 2) [DISCONT.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon