BAP 2 : Chapter 2
OnelikeOnePrayer
Kung tutuusin, dapat matagal ko nang isinuko ang pag-ibig ko kay Qwerty. At ngayon? Tinitignan ko yung profile picture nya sa facebook.
"Qwerty, ang ganda mo talaga." bulong ko sa hangin. ayoko na magcomment baka kasi asarin na naman siya ng mga tao. Este ako pala ang asarin dahil desperado ako sa kanya. Minsan sinubukan ko na siyang kalimutan. pero hindi ko magawa, alam nyo ba kung bakit?
Kasi everytime na titingin ako sa kahit anong gadget na may keypad, unang bubungad sa akin ay ang QWERTY~~
Pati nga yung aso nya e nagmumulto sa akin, si Asdfghjkl; ,ang basa sa name ng aso nya ay "Home Keys". Ganyan spelling pero home keys talaga ang pronunciation, kakaiba di ba?
Syempre, ako nagbigay ng pangalan sa aso nya eh. Lahi ng aso nya? Cocker Spaniel. Isang taon na si Asdfghjkl; sa kanya, masaya naman ako't inaalagaan nya iyon kahit pa medyo ilang kami ng konti sa isa't isa.
Ang sabi nga ni Gunther, kulang na lang ay maghubad ako sa harap ni Qwerty, masagot lang nya ako, pero di ko gagawin yun no. Kahit pa alam kong ako ang pinakapogi sa grupo. "EHEM." E may pangalan rin akong inaalagaan. Joke.
"Nakatingin ka na naman sa facebook, malay magpractice." nakatayo sa likuran ko si Zero at umiinom ng dalandan juice.
"Maganda siya di ba?"
"Oo maganda kaso ayaw sa'yo."
"Buti pa si Zephne di ganun kagandahan pero mahal ako... Yan na naman hirit mo eh! Loko ka!" laging ganyan si Zero sa akin, lagi nyang pinamumukha na di sapat ang kagwapuhan ni Moon Stone para mapasagot si Qwerty. Samantalang siya, akala mo e sinagot ni Zephne, e di pa rin naman sila no, mutual lang pero di pa official. Tss.
"Bro, kung ako sa'yo, maghanap ka na ng iba. Ilang taon ka na pinapaasa nyan." tapik ni Zero sa balikat ko.
"Yun na nga eh, matagal na nya ako pinapaasa kaya dapat di ako mawalan ng pag-asa." sagot ko naman.
"Binasted ka na nyan dati di ba?" nagulat ako nang may sumulpot bigla sa likod ng laptop ko. Si Tyrell.
"Oo binasted ako pero di naman nya ako pinagbawalang manligaw ulit sa kanya." sagot ko naman.
"AISSH! Kung naaalala mo pa..." tumayo si Tyrell sa harapan ko at humawak sa dibdib nya. "HUHUHU~~ Akala ko may pag-asa ako kay Qwerty, Bakit ganun? Wala pa rin? Binasted nya ako. Sirang-sira ako!" mangiyak-ngiyak na pag-rereenact ni Tyrell sa harapan ko.
Bwisit naman at tawa ng tawa itong lalaking may hawak ng juice sa tabi ko kaya siniko ko siya. "Loko kayo ah!"
"Wala eh, lakas tama! Sana inunahan mo na lang si Gunther kay Azriel." sabi ni Zero.
"Nako, wag dun sa feelingera na 'yon. Kahit pa kinikilig ako sa kanila, minsan naisip ko na sana ibang babae na lang yun."sagot naman ni Tyrell.
"Kung nandito siguro si Gunther baka nasapak ka na nun." sabi ko naman sa kanya at muli ay nagtitigan kami ni Qwerty.
"Ano icocomment mo sa bago nyang profile pic?" tanong ni Zero.
"Try mo kaya yung #OnelikeonePrayer ?" suhestyon ni Tyrell.
"Effective ba yun ha?" ako naman si uto-uto kaya hindi ko alam ang kahihinantnan noon.
"Oo. Marami panigurado maglalike ng picture nya." sagot niya sakin. Kaya naman ako si tanga, nilagyan ko ng hashtag OneLikeOnePrayer yung comment ko.
Tas mga five minutes lang e may bumungad na sa notifications ko. Nagcomment siya at nakalagay pa, "Qwerty mentioned you in a comment"
"YES!" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Best Absolute Pogi (BAP Book 2) [DISCONT.]
Humor"Ako si Moon Stone, ang pinakapogi sa balat ng tinalupan, pero si Qwerty melabs hindi pa rin tinatalaban ng poging powers ko. Paano na?" Ang prologue po nito'y nasa last part ng Book 1 Cover credits: @cutiegogo ^__^