Chapter 2

5.2K 204 31
                                    


"He is so cute," ani Kathryn, karga si Baby Damien. Nakauwi na sina Lynette sa bahay ng mga ito limang araw na ang nakakaraan.

"Thank you. At alam mo ba na sa sobrang cute, nainggit si Kuya Matthew. Sabi n'ya, siya naman daw ang magkakaroon ng baby sa susunod na taon. Natuwa nga sina Nanay at Tatay."

Hindi siya nagkumento, hindi naman niya alam ang dapat sabihin sa kaibigan.

Pinilit niyang balewalain ang sinabi ng lalaki sa bakeshop. Pero ang tiyahin niya ay hindi iyon nalimutan. Binibiro siya nito, nararamdan daw nito na hindi siya matutulad sa naging kapalaran nito.

Maging ang mga staff ng cafe ay tinanong siya kung nililigawan daw ba siya ni Matthew. Kasama niya ang magtito nang sumaglit sa Coffee and Cookies kaya nakita rin ng mga ito ang binata. Itinanggi niya iyon. Ayaw tumigil ng mga staff noong una, ayon sa mga ito ay laging nakasunod ang tingin ni Matthew sa kanya, lalo na kapag hindi siya kanatingin dito. Pero nang ipaalala niya sa mga ito ang mga babaing napaugnay kay Matthew ay natahimik ang mga ito.

Maliban kay Aleina, pastry chef at manager sa shop nila. Aleina said preference be damn when you found your one true love. Tumigil lang ito nang sinabi niyang seryoso siya at ayaw na niyang makarinig ng biro tungkol doon dahil nakakahiya kay Lynette.

"Kailan n'yo planong pabinyagan si Damien?" pag-iiba niya ng topic.

Ilang araw nang laging nababanggit si Matthew, at sa totoo lang ay napapagod na siyang laging nasasangkot sa usapan ang lalaki. Kung sa cafe ay napatigil na niya ang pagtatanong ng mga staff, ang tiyahin niya ang hindi tumigil sa pagbibiro sa kanya tungkol sa binata. At ang kaibigan niya ay walang kaalam-alam na ipinaaalala nito ang taong ayaw niyang mapag-usapan pa.

"Sa linggo namin plano ni Daniel," ani Lynette. "Airplane ang theme." Piloto si Daniel kaya hindi kataka-takang iyon ang napiling theme ng mga ito.

"Okay. Isang linggo mula ngayon, kaya ko pang isingit ang cake para doon. Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?"

"Kathryn, marami ka nang trabaho sa cafe, may bakeshop ka pa, ayaw na kitang abalahin pa sa cake."

"Ano ka ba? Ayos lang 'yon. Titingin na ako nang magandang cake design na papasok sa theme n'yo," aniya. Sumulyap sa batang karga niya. He is still a baby, but as early as now, she can tell he will be a good looking boy someday.

"Ang gwapong bata," aniya, nakangiti. Gamit ang likod ng hintuturo ay hinaplos niya ang pisngi nito.

"Inggit ka rin? Mag-asawa ka na kasi," ani Lynette.

"Boyfriend muna, friend," aniya.

"Bakit ba kase ayaw mong bigyan nang chance si Rex? Mabait 'yon," tukoy nito sa kasamahan ni Daniel sa trabaho, isa rin itong piloto. Nakilala niya si Rex noong kaarawan ni Daniel, dalawang buwan na ang nakakaraan. Tinutudyo siya ni Lynette sa lalaki dahil nagpakita ito ng interes sa kanya.

"Wala akong panahon, Lynette. Maraming trabaho sa bakeshop at sa cafe, lalo na ngayon."

"Dahi-dahilan mo. Kahit noon naman, gan'yan din ang dahilan mo kapag may nanliligaw sa'yo. Ang alam ko, hindi ka pa naman nagkakaboyfriend, pero bakit parang man-hater ka?"

"Man-hater agad? Hindi ba pwedeng wala lang talaga akong panahon para doon?"

"Alam mo bang ang greatest fear ni Tita Demy ay matulad ka sa kanya? Sa nakikita raw n'ya, parang wala kang interest sa kahit kaninong lalaki. At sa nakikita ko, parang ganoon nga. Gwapo naman si Rex, may matatag na trabaho. Ano pang inaayaw mo sa tao?"

"Walang mali sa kanya. Tama ka, gwapo s'ya, mabait din naman, pero wala talaga akong time para doon."

"Kung talagang gusto, may paraan, at sa nakikita ko, ayaw mo, kasi marami kang dahilan," pinag-aaralan ng kaibigan ang mukha niya, sinusuri nito ang reaksyon niya.

Coffee and Cookies (COMPLETED, Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon