"Hay naku, Kathryn, kaya umabot ka sa edad na bente-otso na wala man lang maging boyfriend, kasi napakaboring mo! Vodka lang, hindi mo pa subukan. Walang lasa yan!" anang pinsan niya, si Myrtle.
"Oo nga. At saka birthday mo naman, anong masama kung malasing ka?" sabi naman ni Cathy.
"Sakit ng ulo lang ang aabutin ko. Okay na ako rito sa flavored beer."
Mali ang akala niyang sa bahay siya magcecelebrate ng birthday niya. Matapos ang pananghaliang ihinanda ng mga magulang para sa kanya ay niyaya siya ni Maribelle na lumabas. Iyon pala ay dahil may ihinandang surprise birthday party ito, kasama ang mga pinsan niya sa isang resort sa Mabini, Batangas. Nasa bar sila sa loob ng resort at pinipilit siya ng mga pinsan na uminom ng vodka. Pero dahil hindi naman talaga siya mahilig uminom, hindi siya mapilit ng mga ito.
"Naku! Juice na lang 'yan sa mga kabataan ngayon! Ano ka ba naman, Katryn," nakaismid na sabi ni Avie.
"Ayos na ito. Wala akong planong maglasing. May gagawin pa ako sa cafe bukas."
"Cafe na naman. Bakeshop na naman. Napakaboring mo talaga. Pa'no ka magbababoyfriend n'yan? Dapat maglalabas ka! Tingnan mo, sa ating magpipinsan, ikaw lang ang walang boyfriend na kasama," ani Cathy.
Nakakaramdam na nang pagkainis si Kathryn, pero pinipigil niya. Birthday niya ngayon, bawal nainis o nagalit.
"Wala ring boyfriend si Ate Maribelle," depensa niya.
"Si Maribelle ang nakipagbreak sa clingy ex-boyfriend n'ya. At saka sa ganda ng ate mo, sisiw lang doon magkaboyfriend uli. Pinipilahan na nga ng manliligaw ngayon pa lang. Ikaw, kahit minsan hindi pa nagkakajowa," ani Myrtle.
"A word of advice cous', daig nang malandi ang maganda! Kaya go, manlandi ka na. Inumin mo na itong vodka para lumakas ang loob mo," ani Avie.
"Tama!" nagtawanan at nag-apir pa ang tatlo.
Nasaktan siya sa sinabi ng mga pinsan pero pinilit niyang ngumiti. Hindi rin niya inabot ang vodka na inaalok sa kanya.
"Ayoko talaga," ipinatong nita sa bar ang beer na hawak, "pupunta muna ako sa cottage ko, malolowbatt na ang cellphone ko. Magchacharge muna ako."
"Kung ayaw mo talaga, babalik na kami sa restaurant. Doon ka na lang pumunta," ani Cathy.
Tinanguan niya ang mga ito bago siya tumalikod. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala siya immune sa salita ng mga pinsan na nagpapahaging na sa kanilang magpipinsan, siya ang hindi biniyayaan ng ganda.
Bukod sa talagang lowbatt na ang cellphone niya, magpapalipas lang siya ng inis saka siya babalik sa restaurant.
"Little sister!" Happy birthday!" bati ng Ate Adelline na nakasalubong niya sa pasilyo. Gumanti siya nang yakap sa kapatid. Wala pa ito kanina dahil kaninang umaga lang ito dumating sa bansa, rest period nito, at nagpasabing hahabol sa birthday celebration niya.
"Salamat, ate," nakangiting sabi niya. Lumampas ang tingin niya sa balikat ng kapatid at gayon na lang ang gulat niya nang makita si Rex sa likod nito.
Kita rin niya ang gulat sa mukha ni Rex, maging ang alanganing ngiting ibinigay nito sa kanya.
"Bye the way, I want you to meet Rex, my boyfriend."
"Hi, kumusta? Happy birthday pala."
"Ayos lang. Salamat," sagot niya.
"Happy birthday," iniabot ng ate niya ang regalong dala. "Share na kami ni Rex d'yan. Sana magustuhan mo."
"Salamat, pero hindi na sana kayo nag-abala, ate," tinanggap niya ang regalo, ngumiti siya bago sumulyap kay Rex. "Pumunta na kayo sa restaurant. Sasaglit lang ako sa cottage ko."
BINABASA MO ANG
Coffee and Cookies (COMPLETED, Unedited Version)
Romance"Mahal mo ako? Sigurado ka? Palagay ko, puyat lang 'yan. Eto ang kape, matapang 'yan, isang lagok mo lang, magigising ka na sa katotohanan." "I used to think that love at first sight is overrated. But boy, was I wrong! Because I fell in love with yo...