"Hoy! Kathryn!" may pumatak na nilamukos na papel sa harapan niya.
"Ha? Bakit?" aniya, napatingin sa kaibigan. Pinagsalikop nito ang mga braso sa tapat ng dibdib at sumandal sa swivel chair.
Nasa opisina sila ng Coffee and Cookies Cafe, napirma ng tseke pambayad sa mga suppliers nila.
"Kanina pa ako kwento nang kwento rito, wala palang nakikinig. Ilang araw ka na raw tulala at walang kibo. Ngayon, naniniwala na ako kina Aleina. May problema ba?"
Binitawan niya ang ballpen na hawak at pinindot ang laptop, "Wala."
"Wala nga. Wala ka sa sarili mo," anito. Pinagulong ang swivel chair papunta sa unahan ng lamesa niya. "Care to tell me what's bothering you?"
"Wala nga," hindi pa rin niya sinasalubong ang mapag-obserbang tingin ni Lynette.
"Sigurado akong hindi tungkol sa bakeshop ang problema. Smooth sailing ang bakeshop n'yo. At nagkatotoo ang sinabi ko, ilang bisita nina Zaira ang umorder sa iyo, lalo na nang natikman nila ang cupcake mo. Sigurado rin akong hindi tungkol sa cafe ang problema, maayos din ang takbo natin. Kung hindi business, personal life. Love life?"
Love life indeed. Dahil matapos niyang aminin sa sarili na mahal niya ang kuya ni Lynette, lalo siyang natakot. Noon, kahit nawawala na lang bigla ang mga manliligaw niya, maliban sa disappointment, wala na siyang nararamdaman. Pero paano kay Matthew? She was tempeted to put him to her ultimate test. But what if, he too, failed?
Kakayanin ba niya?
"Wala na bang pipirmahan? Babalik na ako sa kusina kung ayos na," tumayo na siya sa bangko, pero tumayo rin ang kaibigan niya. Hinawakan siya sa balikat at pinaupong muli.
"Bakit ba kasi? Akala mo ba'y maitatago mo iyan? Sabihin mo kaya, baka matulungan kita," halata ang pag-aalala sa mukha nito.
"Lynette, wala akong problema. Ayos lang ako," aniya, muling tumayo.
Ilang araw na siyang hindi mapakali. Gusto na niyang aminin sa binata na mahal din niya ito. Pero paano siya, kung sakaling katulad din ng mga naunang manliligaw niya ang binata? Nakuha na nito ang puso niya. Her pride is the only thing she have left. Hahayaan ba niyang ibigay ang lahat nang iyon sa binata?
Pinakatitigan siya ng kaibigan, "Sigurado ka?"
Walang ibang makakatulong sa kanya, siya lang. Haharapin naman niya ang bagay na kinatatakutan niya. Pero sa ngayon, mag-iipon pa siya ng lakas ng loob.
"Namimiss ko lang siguro ang pamilya ko. Uuwi muna ako sa Lipa sa Sabado. Dalawang buwan na nang huli akong nakauwi roon," aniya.
"KUMUSTA ang aking bunso?" bungad sa kanya ni Daddy Art pagkababa niya sa kotse. Humalik siya sa pisngi nito at yumapos sa ama.
"Ayos lang po. Ang mommy?"
"Nasa loob, ipinaghahanda ka ng paborito mong ulam. Ang alam ko'y maluluto na iyon. Kanina ka pa nga inaantay," anang ama niya. Ito na ang nagdala ng Blue Berry Cheesecake na pasalubong niya. Paborito iyon ng kanyang ama. Sa isang kamay nito ay hawak naman ang Tiramisu, iyon naman ang paborito ng kanyang ina.
"May tinapos lang po ako kaninang umaga sa cafe at sa bakeshop kaya tinanghali na po ako nang alis sa Alabang."
"Kumusta ang bakeshop at ang cafe?"
"Ayos naman po, Dad."
"Mommy, narito na ang bunso mo," anang ama niya pagpasok niya sa kabahayan.
"Pumarine na kayo sa kusina, saglit na laang itong Kare-kare. Maluluto na ito," anang ina niya, si Mommy Martha.
"Dito ka ba matutulog mamaya?" anang ama niya.
BINABASA MO ANG
Coffee and Cookies (COMPLETED, Unedited Version)
Romance"Mahal mo ako? Sigurado ka? Palagay ko, puyat lang 'yan. Eto ang kape, matapang 'yan, isang lagok mo lang, magigising ka na sa katotohanan." "I used to think that love at first sight is overrated. But boy, was I wrong! Because I fell in love with yo...