Chapter 7

4.7K 191 5
                                    


"Wow, ang ganda ng cake!" ani Zaira.

"Napaka-eleganteng tingnan. Salamat, Kathryn," ani Ryan.

Nasa reception sila ng kasal ng dalawa. Kitang-kita sa mukha ng mga ito ang paghanga sa three-tiered cake na ginawa niya. Bilog iyon, kulay puti, may pink fondant roses na nakadesign, animo'y sash mula sa ibaba pataas, hanggang sa pinakaibabaw ng cake.

"Salamat. Natutuwa ako na nagustuhan n'yo," nakangiting sabi niya.

"Hindi lang basta nagustuhan. I love it!" ani Zaira. "Salamat!" anito, niyapos pa siya ng babae.

"Ako ang dapat magpasalamat, at ipinagkatiwala n'yo sa akin ang wedding cake n'yo," gumanti siya ng yakap dito.

"Hindi lang wedding cake, pati mga birthday cake ng magiging mga chikiting namin, sa'yo rin namin oorderin," ani Ryan.

"Aasahan ko 'yan!" nakangiting sagot niya. "Congratulations, again. I won't keep you long. Marami pa kayong bisita, at marami pa ring activity. Babalik na muna ako sa lamesa," aniya sa bagong kasal bago tuluyang tumalikod.

"Ang ganda ng cake. Alam mo bang may ilang taong nagtatanong tungkol doon? Sabi ko, ikaw ang baker. Mukhang magkakaroon ka ng maraming future costumers," ani Lynette.

"Alam ko na kung sino ang sisisihin ko kung bakit hindi ko maayang lumabas si Kathryn," ani Matthew. Naupo ito sa tabi niya.

"Doon ang pwesto ng groomsmen, Kuya," ani Lynette. Kasama niya sa table assignment sina Lynette, pero si Matthew ay sa ibang lamesa naka-assign.

"Seating arrangement be damn. Dito ako sa tabi ni Kathryn. Mahirap na. Kanina ay may narinig akong nagtatanong kung sino si Kathryn. Mabuti nang makita na nila na off the market na siya."

"Wow! Hindi ko inakalang territorial ka, Kuya!"

"Bumalik ka na roon, Matthew,. Magsisimula na ang program. Nakakahiya naman sa kasama talaga namin sa lamesa. At nakakahiya rin sa bride at groom kung simpleng seating arrangement lang, hindi mo pa susundin."

"Bakit ba kasi kailangang malayo ako sa iyo? Lagot sa akin si Zaira."

"Abay ka, Kuya, baka nakakalimutan mo," ani Lynette.

"Abay rin si Daphnie," anito, hinawakan ang pamangkin sa ulo. "Ang ganda ng pamangkin ko."

"Bata 'yan, Kuya, natural kasama namin sa table. Sige na bumalik ka na roon," ani Lynette.

"Bayaw, kung nag-aalala ka na may lalapit kay Kathryn, sige na, ako ang bahala. Itataboy ko sila para sa'yo," ani Daniel.

"Iba pa rin kung ako ang magtataboy sa kanila," ani Matthew.

"Hindi ko kailangan ng tagataboy, kaya ko silang itaboy mag-isa," aniya. Pinaikot niya ang mga mata.

"That's good to hear," nakangiting sabi ni Matthew. Pero napilitan na ring tumayo ang binata nang makitang palapit na ang mga kasama nila sa lamesa. "After ng dinner, d'yan ako mauupo sa tabi mo," anito bago tuluyang lumayo sa kanya.

"Hindi ko inakalang may pagka-possesive si Kuya," tumatawang komento ni Lynette. "Hindi ko pa siya nakitang nabahala kapag may lalaking nagpapakita ng interes sa girlfriend niya. Madalas na proud pa iyon kapag napapansin ang girlfriend, eh."

"Baka nakakalimutan mo rin, hindi n'ya ako girlfriend," aniya sa kaibigan.

"Ah, oo nga naman, hindi ka pa niya girlfriend. Kaya mas threathen siya na maagaw ka ng iba. Lalo na siguro kapag naging kayo na."

"Lynette kung ano-ano ang sinasabi mo," aniya sa kaibigan. Nagfocus na lang siya sa pagkain at hindi na inintindi ang iba pang panunudyo nito sa kanya.








Coffee and Cookies (COMPLETED, Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon