"Ma'am, may delivery po kayo ng flower sa labas!" ani Aleina sa kanya. Ang pagkakangiti nito ay halos umabot sa magkabilang tainga.
"Sa akin? Sigurado ka?" Napatigil siya sa paglalagay ng frosting sa cupcake na ilalagay sa display rack. Hindi kaya kay Matthew nanggaling ang bulaklak?
Mixed emotions, ganoon ang naramdaman niya kahapon. Matapos nitong sabihin na manliligaw sa kanya ay hindi siya nagsalita at tinitigan lang ang binata. Sinabi nito na seryoso ito sa panliligaw at uumpisahan na raw nito ang panunuyo sa kanya. Nagpaalam na rin ito sa kanya matapos iyon, pero hanggang sa makaalis ang lalaki sa harap niya ay hindi niya nagawang magsalitaan man lang. Shock is an understatement. She had seen him for six years, and never did he shown any indication that he is remotely interested with her. And now?
Anong nakain nito? Red Velvet cake n'ya? As far as she's concerned, he tasted that way before he told her he wants to court her. Maaaring noong kasal ni Lynette nang unang natikman nito ang Red Velvet niya, at sa tuwing may okasyon sa pamilya ng mga ito ay iyon din ang madalas na orderin sa kanya. So her cake is out of the question.
She should be flattered, but she became anxious. What gives?
"Ikaw lang naman po ang Kathryn Jade Vicencio rito, di ba?" anito, lumapit ito at kinuha ang piping bag sa kamay niya, "Dali na, madam. Tingnan natin kung kanino galing!" hinigit siya nito palabas ng kusina.
Pinipirmahan pa lang niya ang delivery receipt ay nakapaikot na ang mga staff. Excited ang mga itong malaman kung kanino galing ang bulaklak.
"Buksan mo ang envelop, madam!" ani Aleina. Nakatayo ito sa tabi niya at binasa nang malakas ang mensahe na nakasulat sa card.
“Kathryn,
Do you believe in love at first sight?
I do.
-M"
Nagtilian ang mga staff niya nang narinig ang mensahe sa card. Maging ang ilang customer nila ay napatingin sa kanina. Mabuti na lamang at alas-otso y medya na, tapos na ang early morning rush.
Kalimitang alas-syete hanggang alas-otso ang dagsa ng customers nila sa umaga. Ang mga freshly baked cookies at breads nila ay halos paubos na. Dadagdagan na nila ng cupcakes ang display rack bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga customers mamayang alas-dyes, hanggang sa makapananghali. Pagkatapos noon ay alas-singko haggang closing time nila ay karaniwang may tao sa cafe. Estudyante at office workers na naghahanap nang tahimik na lugar ang karaniwang customers nila.
Nagsorry siya sa mga customers na naabala at binigyan nang nagbababalang tingin ang mga staff. Tumahimik ang mga ito, pero sandali lang, dahil nagsunod-sunod na ang tanong kung sino si M. Biniro siya ng mga ito na may secret admirer daw pala siya.
Pumasok siya sa maliit na opisina nila ni Lynette at ipinatong sa lamesa ang bulaklak. Nasisigurado niyang oras na malaman ng tiyahin niya ang tungkol sa bulaklak ay lalo siyang hindi titigilan nito.
Kahapon paglabas niya ng opisina ay ang nakangiting mukha ni Tita Demy ang nabungaran niya. Ayon dito ay nagpaalam din si Matthew rito na aakyat nang ligaw sa kanya. Kaya naman maghapon, hanggang kagabi ay hindi siya pinatahimik ng tiyahin nang katatanong at kabibiro nito tungkol kay Matthew. At para makaiwas, mas maaga kesa sa karaniwang oras ay pumunta na kaagad siya sa cafe.
Nagtaka pa si Aleina na naroon na siya nang gano'n kaaga. Madalas na ito o si Olivia, ang barista nila, ang karaniwang nauuna sa cafe. Si Aleina ang katulong niya sa pagbabake at sa paghahanda ng pancake na itinitinda rin nila kapag umaga.
Ang pagtunog ng landline ang umabala sa pagtitig sa bulaklak sa harapan niya.
"Coffee and Cookies Cafe, good morning. How may I help you today?"
BINABASA MO ANG
Coffee and Cookies (COMPLETED, Unedited Version)
Romance"Mahal mo ako? Sigurado ka? Palagay ko, puyat lang 'yan. Eto ang kape, matapang 'yan, isang lagok mo lang, magigising ka na sa katotohanan." "I used to think that love at first sight is overrated. But boy, was I wrong! Because I fell in love with yo...