"Anak, tumawag ang mga ate mo, hinahanap ka. Hindi raw nila makontak ang cellphone mo. Paggising daw nila ay wala ka na sa resort. Naisip kong baka nasa bakeshop o nasa cafe ka, kaya sa landline ako tumatawag. Pero nakailang tawag na ako, walang nasagot," halata ang pag-aalala sa boses ni Tita Demy."Nagbabake po ako kaya hindi ko kaagad nasagot ang tawag n'yo."
Bumuntong-hininga ang tiyahin niya, "Anong oras ka dumating?"
"Kanina pong alas-sais," naging mabilis ang biyahe niya dahil maaga siyang umalis sa Mabini.
"Bakit hindi ka nagpaalam bago ka umalis doon?"
"Alam po ng Frontdesk. Nagsurrender ako ng susi sa kanila at nagcheck-out."
"Sa mga ate mo ikaw dapat nagsabi, o kaya ay nagtext ka sa kanila at sa akin na pauwi ka na. Alalang-alala sa'yo ang mga ate mo. Pati si Matthew, nakailang tawag na sa akin. Pati ako ay pinag-alala mong bata ka. Natitiyak kong gano'n din ang mga magulang mo."
"Sorry po, Tita," ngayon siya nakaramdan nang pagkaguilty na hindi man lang siya nagpasabi sa mga ito nang maayos bago umalis. Nabigyan pa niya ang mga ito ng alalahanin.
"Sa susunod ay magpaalam ka nang maayos, ha."
"Opo. Tatawagan ko po sina Mommy at Daddy maya-maya. Tumunog na po ang timer ng oven. Dito na lang po tayo mag-usap mamaya. Hahangunin ko na po ang mga cookies."
"Nagbake ka ng cookies?" bakas sa boses ng tiyahin ang gulat. Alam nito na wala siyang hilig sa pagbabake noon.
"Nag-eexperiment lang po ako."
"O siya, sige, mamaya ko na titikman ang resulta ng eksperimento mo. Mag-aandar na ako at pupunta na ako d'yan."
"Sige po, maya-maya ay lilipat na rin po ako sa Cafe. Magbubukas na rin po kami."
"Sige, bye, anak."
Bumalik siya sa loob ng pastry kitchen at inilabas ang cookies sa oven. Mainit pa iyon kaya papalamigin muna niya ng ilang minuto bago niya titikman. Mag-aalas siyete na kaya kailangan na niyang pumunta sa kabila. Tiyak na naroon na sina Aleina at Olivia, maging ang tatlo pa nilang staff.
"Good morning."
"Good morning, Madam. Hindi ka po naka-complete uniform? Nasaan po ang chef toque n'yo?" ani Aleina.
"Bakit, hindi ba bagay na kita ang buhok ko?" pabirong sagot niya.
"Hindi po, ah. Naiinggit nga po ako sa buhok n'yo. Ang ganda nang pagkakakulot. At saka, hangga nga po ako sa inyo. Dahil kahit kulot ang buhok n'yo, hindi n'yo pinaparebond. Sabagay, malambot naman po kase ang buhok n'yo at makinang. Baka lalong maging dry kapag pinakialaman pa."
Nginitian lang niya ito. Ipinatong sa counter ang platong dala, "Tikman natin ang experiment ko."
"Cookies? Nagbake ka ng cookies, Madam?" Halata sa mukha ni Aleina ang gulat. Madalas niyang sabihin dito na wala siyang interest sa paggawa ng cookies.
But not now. Cookies maybe plain, but it is not boring. She will see to it that their cookies will elevate and would compete to the cakes she is making.
"Yep, tikman natin kung ano ang lasa," aniya sa mga staff.
"Good morning, Sir."
Napatingin siya sa orasan sa may counter, sampung minuto bago mag alas-syete, hindi pa sila open. Napatingin siya sa pintuan para tingnan kung sino ang pumasok.
Nag-aalalang mukha ni Matthew ang nabungaran niya.
"Ayos ka lang ba? Hindi ba masakit ang ulo mo?"
BINABASA MO ANG
Coffee and Cookies (COMPLETED, Unedited Version)
Romance"Mahal mo ako? Sigurado ka? Palagay ko, puyat lang 'yan. Eto ang kape, matapang 'yan, isang lagok mo lang, magigising ka na sa katotohanan." "I used to think that love at first sight is overrated. But boy, was I wrong! Because I fell in love with yo...