"Mamahalin talaga ang mga ito, Madam," ani Aleina, inaayos ang mga bulaklak sa counter. "Isang linggo ang tagal ng roses, magaganda pa rin. Sabihan n'yo po kaya si Mysterious Mr. M na tuwing maka-ikatlong araw na lang magpadala ng flowers.""Bakit? Ayaw mo ba 'yon, lagi tayong may fresh flowers sa counter?" ani Olivia.
"Ayon na nga. Kasi napapagkamalan tayong flowers shop, imbes na cafe. At saka, saan pa natin ilalagay ang ipapadeliver niya? Tingnan mo, halos lahat ng lamesa puno na ng roses na bigay n'ya."
"Gano'n ba?" ani Matthew, bagong pasok sa cafe, hawak-hawak ang boquet ng pulang rosas.
"Good morning!" ani Lynette, kasabay ito ni Matthew na dumating.
Bigla ang pagsalakay ng kaba sa dibdib niya. Hanggang ngayon ay hindi alam ng mga staff nila na ang binata ang nagbibigay ng mga rosas sa kanya.
"Sir Matthew? Ikaw nga po si Mysterious Mr. M?" ani Aleina.
Ngumit lang ang binata at lumapit sa kanya. "For you."
"Salamat," inabot niya ang rosas na ibinigay ng binata.
"Oo," si Lynette ang sumagot sa tanong ni Aleina.
Nagtilian ang mga staff nila. "Sabi ko na nga ba!" ani Aleina.
"Kanina pa dapat kami rito, may pagdaan pa sa flowershop itong kuya ko. Kung hindi ko lang kaibigan ang pagbibigyan, hindi ko sana papayagan. Miss ko na kayong lahat, eh."
"We miss you too, Ms. Lynette," ani Olivia.
"Pwede na bang umorder kahit hindi pa talaga kayo open?" tanong sa kanya ni Matthew.
"Pwede naman na, tutal ten minutes na lang, mag-oopen na rin kami. Anong order mo?" ani Kathyn.
"Yung puso mo," nakangiting sabi ni Matthew.
Nagtudyuan ang mga staff nila. Nilinga niya ang mga ito, pero dahil si Lynette ang pasimuno nang pambubuska sa kanya, hindi tumigil ang mga ito.
Muli niyang nilingon si Matthew. "Seryoso nga. Ano bang gusto mo?"
"Ikaw," his smile so big, his eyes twinkling.
"Hindi ako kasali sa menu," aniya, pinaningkitan ito ng mata, pilit sinusupil ang malakas na kabog ng puso. She bit her lip to keep herself from smiling.
Nilingon nito ang kapatid, "Magagawan mo ba ng paraan na ma-order ko ng talagang gusto ko? Part-owner ka naman dito, di ba?"
"Titingnan ko ang magagawa ko, Kuya. Willing to wait ka ba?" pakikisakay ng kapatid nito.
"Kahit gaano katagal," anito, muling tumingin sa kanya at ngumiti. Umugong na naman ang panunudyo ng mga staff.
Umalis na siya sa counter at pumasok sa kusina. Hindi niya kayang tagalan pa na kaharap ang binata. Baka mabasa nito ang tunay na nararamdaman niya.
Kahapon ay umalis rin kaagad siya sa bahay nina Lynette nang makawala siya sa pagitan ng mga bisig ni Matthew. Ipinagpasalamat ni Kathryn na hindi siya sinundan ni Matthew at ni Lynette. Pero ngayon, natitiyak niya na hindi siya palalampasin ng kaibigan.
Ipinagtaka niya kung bakit hanggang ngayon ay na rito pa si Matthew. Noong nasa Victoria siya ay nalaman niya na tuwing Lunes at Biyernes pinakamaraming trabaho sa farm ng mga ito, at alam niya na ito ang nag-aasikaso sa family business.
"Order up!" ani Lynette pagpasok sa pastry kitchen. Iniabot sa kanya ang kopya ng order slip.
Pancake ang nakaprint doon, pero may hand written doon na "Must be serve by a smiling, beautiful pastry chef, that will dine with me. - M".
BINABASA MO ANG
Coffee and Cookies (COMPLETED, Unedited Version)
Romansa"Mahal mo ako? Sigurado ka? Palagay ko, puyat lang 'yan. Eto ang kape, matapang 'yan, isang lagok mo lang, magigising ka na sa katotohanan." "I used to think that love at first sight is overrated. But boy, was I wrong! Because I fell in love with yo...