"Ninang, what's next?" tanong ni Daphnie kay Kathryn.
"We will wait for the cupcakes to bake, it takes 20 minutes. I-set po natin ang timer," sagot ni Kathryn sa bata. Nasa kusina sila ng bahay ng mga ito. Dadalhin ng bata ang cupcakes sa pagbisita sa nanay nito na nasa ospital. Kapapanganak pa lang ni Lynette, ang kaibigan at kasosyo niya sa Coffee and Cookies Cafe. Excited ang bata na pumunta sa ospital para bisitahin ang bagong silang na kapatid. Pero alam niyang hindi pa maaasikaso ni Lynette ang bata kaya nililibang muna niya ito.
"Babantayan po natin ito, Ninang?" anito, nakasilip sa loob ng oven.
"Hindi po. Gagawa tayo ng frosting, ilalagay natin mamaya sa ibabaw ng cupcakes," sagot ni Kathryn. Bukod sa madalas marinig ng bata ang salitang "po" sa mga staff ng cafe nila, nakasanayan na rin nila na kausapin ang bata na laging may paggalang.
"Lalagyan po ba natin ng fruits?" anito, tumingin ang bata sa kanya.
"Opo. Gusto ni Mommy ang cherries, di ba? Halika na, gagawa na si ninang ng frosting," hinawakan niya ang kamay ni Daphnie at itinayo sa bangko para mapanood nito ang gagawin niya.
"Paano po si baby? Hindi po natin alam ang gusto n'ya."
Napangiti si Kathryn, "Ang sweet naman ni Ate Daphnie, iniisip talaga si Baby. Pero okay lang po 'yon, kase hindi pa pwedeng kumain si Baby Damien. Kaya ang para kay Baby, si Mommy ang kakain. Tapos si Mommy na po ang magbebreastfeed sa kanya. Kaya lahat ng kakainin ni Mommy, makakain din po ni Baby Damien."
"Ibig sabihin, makakatikim din po s'ya, Ninang?"
"Opo, matitikman n'ya ang masarap na cupcake na gawa ng ate n'ya."
"Gusto ko na po makita si Baby Damien, Ninang."
Hindi katulad ng tipikal na bata, kahit na maglilimang taon pa lang ay mature si Daphnie para sa edad nito. Hindi ito sumpungin at maarte. Napakasweet na bata. Dahil na rin siguro busog sa pagmamahal ng mga magulang, maging sa kanya at sa mga staff ng cafe. Kahit na may kasambahay sina Lynette, hindi hinahayaan ng kaibigan niya na maiwan sa bahay ang anak, lagi nitong kasama ang bata sa cafe. Mabait naman ito kaya hindi mahirap kasama. Tuwing kailangang mag-inventory o magcheck ng cash flow ni Lynette ay mabilis libangin ang bata, bigyan lang ito ng aklat o coloring book, malilibang na ito. Kung hindi man, isinasama niya ito sa kusina at pinauupo sa bangko at hinahayaang manood sa pagbabake niya.
"Ako rin, honey. Mamaya, makikita na natin s'ya."
"Aalagaan ko po s'ya."
"Very good. Tulungan mo si Mommy na magpalit ng diaper at mag-abot ng gamit ni Baby. Ang galing na ate na ng inaanak ko. Ninang is so proud of you," hinalikan niya ang bata sa noo. "Gawin na natin ang frosting?"
"Sige po," anang bata, nakangiti sa kanya.
Katext niya kaninang umaga ang ama ni Daphie, si Daniel, at ibibilin nito na alas-tres nang hapon na lang papuntahin ang bata sa ospital. Pang-umaga si Daphnie sa daycare na pinapasukan kaya makapananghali ay pinuntahan na niya ito sa bahay. Para malibang ang bata, sinabi niyang ipagbabake muna nila ng cupcake ang mommy nito saka sila pupunta sa ospital. Naexcite naman ang bata dahil doon.
"Ninang, can I help po?"
"Can I help, too?" anang isang boses mula sa pinto ng kusina. Nalingunan niya roon ang Tito ni Daphnie. Si Matthew, ang nakatatandang kapatid ni Lynette. Nakasandal ito sa hamba ng pinto ng kusina, nakatingin sa kanila ng pamangkin at nakangiti. Nakapaloob ang mga kamay sa bulsa ng pantalong maong na suot.
"Tito Matthew!" anang bata, bumaba ito sa bangko at nagtatakbo palapit sa tito.
"Don't run, honey," ani Kathryn sa bata.
BINABASA MO ANG
Coffee and Cookies (COMPLETED, Unedited Version)
Romance"Mahal mo ako? Sigurado ka? Palagay ko, puyat lang 'yan. Eto ang kape, matapang 'yan, isang lagok mo lang, magigising ka na sa katotohanan." "I used to think that love at first sight is overrated. But boy, was I wrong! Because I fell in love with yo...