"Mag-uusap tayo mamaya," ani Lynette sa kanya pagpasok nito sa restaurant kung saan gaganapin ang reception ng binyag ni Damien.
Dahil hindi naman siya ninang ay hindi na siya sumama sa simbahan. Sa restaurant na siya dumiretso. Bukod sa pagdadala ng cake, inako na niya ang pagsigurado na maayos ang lahat bago pa dumating sina Lynette.
"Tungkol saan?" aniya sa kaibigan, kahit ang totoo ay may ideya na siya sa gustong ipakipag-usap nito sa kanya.
"Mamaya na. Ayaw ko rito, maraming tao. Sa bahay tayo mag-uusap," anito.
"Ok, sige na. Asikasuhin mo na ang mga bisita mo. Ako na muna ang bahala rito kay Damien," aniya, kinuha ang sanggol dito.
"Wow! Ang ganda ng pagkakagayak ng area, ha," anito matapos mapagmasdan ang paligid. "Sigurado ako, nakialam ka rito. Pati ang center piece, may airplane designs."
"Mamaya mo na inspeksiyunin ang lugar. Sigurado akong gutom na ang mga ninong at ninang nitong poging batang ito. Unahin mo na silang pakainin."
"Hindi ka ba sasabay sa amin?" tanong ni Daniel mula sa likuran niya.
Pagpihit niya ay nakitang katabi pala nito si Matthew. Ngumiti ang binata sa kanya. At katulad ng laging nangyayari sa kanya basta nasa paligid ang binata, bigla na naman ang paglakas ng tibok ng puso niya.
Mukhang nagkamali siya ng akala. Noon ay inakala niya na nawala na ang paghanggang naramdaman niya sa binata noong una niya itong nakita. Dahil kung hindi paghanga ang nararamdaman niya para rito ngayon, ano ang tawag sa kabang nararamdaman niya sa tuwing makikita at magkakalapit sila ng binata?
"Sige na, Daniel, kami na ni Kathryn ang magsasabay mamaya. Unahin n'yo na ang mga bisita at pati na ang magandang prinsesang ito," ani Matthew, niyuko si Daphnie.
Nginitian niya ang inaanak, yumuko siya at hinalikan ito sa pisngi. "How's my pretty inaanak?"
"Okay naman po, Ninang," nakangiting sagot nito.
"Sige na, kain ka na. Sama ka na kay Mommy at Daddy," aniya sa bata.
"Sige, Kuya, aasikasuhin muna namin ang mga bisita," ani Daniel bago tumalikod sa kanila.
"Ako na ang magdadala sa bata," ani Matthew.
"Ako na. Tulog naman s'ya kaya walang problema," aniya, niyuko niya ang sanggol sa kanyang bisig.
Hindi niya magawang salubungin ang tingin ni Matthew. May emosyong nakiraan sa mga mata ng binata na ayaw niyang bigyan ng pansin. Pero sapat ang nasulyapan niyang kislap sa mga mata nito para madoble ang lakas ng tibok ng kanyang puso.
"Ma'am, picture po," anang photographer. Kumuha ng photoman ang mag-asawa para may magcover ng binyag ni Damien, at the same time, para may maiuwing souvenier shots ang mga bisita.
Tumayo sa tabi niya si Matthew, siya naman ay tumingin sa photographer at ngumiti.
"Closer po," anang photographer.
Hindi siya kumilos, pero si Matthew ay umisod palapit sa kanya. Ang kanang balikat niya ang dumikit sa dibdib nito. Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ng binata. She bit her lip, goosebumps travelled from her nape downward.
"Closer pa?" ani Matthew. "Kapag closer pa, i-eembrase ko na 'to."
Kahit hindi siya nakatingin ay sigurado siyang nakangiti ang binata. Siya naman ang hindi magawang ngumiti.
"Ok na po, Sir. Smile po, Ma'am. One, two, three," anito bago pinindot ang camera. "One more shot po, smile ulit." Tiningnan ng photographer ang shots bago tumingin sa kanila at ngumiti, "Kunin n'yo na lang po sa labas ang print-out mamaya," anito bago tumalikod sa kanila at lumapit sa ibang bisita.
BINABASA MO ANG
Coffee and Cookies (COMPLETED, Unedited Version)
Romance"Mahal mo ako? Sigurado ka? Palagay ko, puyat lang 'yan. Eto ang kape, matapang 'yan, isang lagok mo lang, magigising ka na sa katotohanan." "I used to think that love at first sight is overrated. But boy, was I wrong! Because I fell in love with yo...