Chapter 3: Problem

19 4 0
                                    

Rand's POV

"What the hell!?"

"That bastard? is the Ambassador?"

"Yeah, that bullshit is damn rich. Kaya niya tayong pabagsakin sa isang pitik lang."

"I think we need to plan now."

"Let's go."

Buwiset, talagang gusto pa akong patayin ng mga ito. Hindi ba sila nag-iisip na pag pinatay nila ako, baka magkagulo ang mga babae sa campus?. Hays baliw talaga tong mga mokong na ito.

"HOY!!!!"

"Hala shet! si Rands, Takbo!"

"Dali, Tara!"

Nung tumakbo sila, Hinabol ko sila. Grabe ang bagal ng mga ito. Ang alam ko mga athlete ang mga ito, bakit ang bagal?

Habang nag-hahabulan kami, lumiko sa kanan ang dalawa, at tatlo naman sa kaliwa. Mukhang nag-plano ang mga ito. Tumingin ako sa kaliwa at sumigaw ng "MGA HINDOT, HINTAYIN NIYO AKO!".

Takbo lang ako ng takbo ng may nakita akong shortcut at do'n ako dumaan. Pagkadating ko sa dulo, nasilayan ko sila sa bandang likod ko at mukhang nagulat, hinabol ko sila at hindi na sila nakatakas pa kase malapit lang sila sa'kin.

Hinawakan ko yung likod ng uniporme ng lalake at hinila siya papalapit sa'akin at hinarap ko siya.

"Sa susunod, mag-masid muna kayo pag tungkol sa'kin ang usapan, kase baka magulat kayo, nasa harap niyo na pala ako."

"Fuck you!"

"Aba, bastos ito sa nakakagwapo ah."

Sinapak ko siya at sinipa palayo para tumilapon. Pagkasipa ko sumugod agad ang dalawa. Pasuntok na sana ang isa kaso hinawakan ko yun at diniretso ko sa kasama niya, pagkasuntok niya, hinila ko ulo niya at inuntog sa pader.

Laban lang ako ng laban hanggang sa may tumutok na baril sa ulo ko galing sa likod.

"Wag kang gaga-". bago niya tapusin sasabihin niya, yumuko ako papaharap sakanya at sinuntok ko ang sikmura niya, pagkahawak niya sa tiyan, sinipa ko na agad ang dalawa niyang bola para tumumba.

May humablot ng leeg ko at sinakal ako. Pinatid ko siya papalikod at tumumba siya sa sahig, kinuha ko yung kamay niya at binali ko yun, pagkatapos kinuha ko yung patpat at pinalo sa papasugod sa'akin.

Suntok, sipa, tuhod ang ginawa ko sa limang minuto kong pakikipagbakbakan sa kanila. Hindi ko akalain na kahit ilang beses ko na silang napatamaan ng malalakas na suntok, nakakabangon pa'din sila, mukhang malakas ang katawan nila pero hindi marunong lumaban, kawawa.

"Hoy, kailangan mo ba ng tulong?" tanong ni Karl sa'akin.

"Wag na, na-late kana eh, tsk."

"Dali na, tagal ko nang hindi nakikipag suntukan eh."

"Letche, habulin mo yung dalawa pa, lima sila eh.'

"Alin, yung kalbo at yung mukhang unggoy ba?"

"Oo, sila nga. Paano mo nalaman na sila iyon?"

"Huh, eh nakita ko sila eh, tumatakbo doon sa eskinita papuntang palengke. Nasagasaan pa nga sila tapos dinala sila sa ospital."

"Buti nga."

"Anong buti nga? ang sama mo ah."

"Eh balak kaya nila akong patayin. Kaya bagay lang sakanila yung salitang Bu-" hindi na natapos yung sasabihin ko kase biglang sumigaw si Karl.

"Pre, may papasugod galing sa likod!" pagharap ko may papasugod sa'akin na may dalang baseball bat. Kinuha ko yung patpat at hinanda ang sarili. Nung malapit na siya, umilag ako sa hampas at pinatid ko siya at hinampas ang ulo niya at agad siyang nawalan ng malay.

"Hindi ka pa din nagbabago, malakas kapa din."

"Ako pa ba? Gwapo eh" biro ko.

"Ulol, mukha ka ngang aso eh!"

"Kaysa sa'iyo, mukhang butiki. tsk."

"Porke't cute ako, butiki na agad?"

"Huh"

"Sabi ko porket cute ako, butiki na agad."

"Inulit pa."

"Aba'y, loko ka ah. Halika dito!"

"Asa! humabol ka muna butiki!"

"Wag kang magpapaabot sa'king aso ka!"

"Hahaha, sige lang, habol lang."

"Letche!"

Linna's POV

"Bakit kanina ka pa tulala diyan sis?"

Hindi ko ba alam, pero laging iniisip ko yung tungkol sa announcement kanina. Masyadong na brain wash ako ng nangyari kanina, hindi ko alam ang gagawin ko matapos kong gantihan at pagtripan yung gagong iyon. Jusko, hindi ko alam gagawin ko. Lord, please help. huhu.

"Huwoy!"

"Ano ba, ang ingay ingay mo eh!"

"Hoy babae, baliw kaba? kanina pa ako sigaw ng sigaw dito! Mapapatid ang litid ng dila ko sa'iyo eh."

"Oo na, oo na! Ano ba kase iyon? buwisit eh."

"Bakit ba kase tulala ka diyan sa loptop mo? tapos ang kalat pa ng kwarto mo, ang alam ko tuwing hapon naglilinis ka, anong nangyari?"

"Ah a-no ka-se"

"Anong ano kase?"

"Yung Third Ambassador kase na si Rands, nakaaway ko siya at napagtripan."

"Ayan, dahil diyan sa trip mo sa buhay, nasa sitwasyon ka tuloy na mahirap lusutan, o edi paano nayan?"

"Anong paano na'iyan?"

"Paano mo malulusutan yang kagagahan mo?"

"Ewan, hindi ko din alam eh."

"Ayan, baliw kase eh."

"Makabaliw eh."

"Nagsasabi lang ng totoo."

Badtrip, hindi ko alam gagawin ko eh, huhu.

"Eh kung makipag-ayos ka kaya sakanya?"

"Ayoko nga!"

"Hoy, babaan mo nga pride mo. Ikaw nagsimula niyan kaya dapat ikaw din tumapos ng problema mo!"

"Bahala ka, hindi ko gagawin yan."

"Edi wag, sayang naman yung nakuha mong scholarship sa Palandria University kung papatalsikin ka nang Ambassador. Lumayas kapa naman at pinagpapatuloy mo iyang pagiging independent mo kuno."

"Oo na, sige na! makikipag-ayos na ako sa'kanya!"

"Good, ayusin mo ah, owner pa naman ng sikat na University."

"Sige na, sige na. Alis! shoo!"

"Ikaw ha, ayusin mo."

"Oo nga, alis na!"

"Bye!"

"Alis!"

Letcheng iyon, daming alam eh. Pero yun na nga lang siguro ang way para matapos na ang problema ko, kailangan humingi na ako ng 'sorry' sakanya ng maaga, baka ipatalsik pa nga ako n'on.

"Makikipag-ayos na ako sakanya, para matapos na ang problema ko. tsk"





My Girlfriend My Enemy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon