Prologue

1.3K 22 13
                                    

Prologue

Martin Pov

Gabi andito kame ngayon ni Dianne sa parking lot at kausap siya "Ano ba nangyayari sayo Dianne ah? masyado kang possessive nakakairita," konting konti na lang mabibigwasan ko na ang mukha nang taong ito.

"Ang usapan ay usapan bakit mo ginalaw si Ashley?" nangigil ako sa sinabi niya at siya ay hinawakan ko sa kanyang mukha

"Wala kang karapatan makielam sa mga plano ko,"

"Aray ko Martin!!! Hayop ka bitawan mo ako" ningitian ko siya sa kanyang sinabi

"Oo hayop ako, ang hayop na sinasabi mo, ay ang taong mahal na mahal mo," binitawan ko na ang panga niya at tuluyan na siyang iniwan dito sa may parking lot.

Di ko alam kung bakit ako naglalakad may kotse naman ako, dahil sa sobrang inis ko sa babaeng yun nakalimutan kong kunin ang kotse ko sa may parking lot. Nagtaka ako sa lugar na nilalakaran ko,dahil walang katao tao at madaming naglalakihang mga puno.

Naramdaman ko na may sumusunod sa akin, binilisan ko ang lakad ko na halos takbo na ang ginagawa ko.

Matapos ang ilang minutong pagtakbo.Sinigurado ko muna na wala ng nakasunod sa akin bago ako tumigil, nakakapagod kayang tumakbo.

Lumingon ako sa aking likuran para masiguro na wala na ang esktranghero na sumusunod sa akin..

Maya maya bigla ko na lang naramdaman na may patalim na nakatusok sa aking tagiliran at ito'y bumulong sa aking tenga na katagang di ko na sana narinig . "Prepare to die,"

Nightmare Queen(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon