Chapter 15

259 8 5
                                    

Jacob POV

"Akala ko ba hindi mo kayang gawin?" napatingin ako kay Marco sa biglaan niyang pagsalita habang pinupunasan ko ng basahan ang dulo ng aking baril.

Napabugtong hininga muna ako bago ako magsalita

"Let's See" nilagay ko sa aking likuran ang baril habang nakatakip ng hindi kalakihang tshirt na suot ko.

Dinaanan ko siya sa kanyang kitatayuan at tinapik ang kanyang balikat.

Habang papunta ako sa parking lot, napag isip isip ko, kaya ko ba talaga siyang patayin.

Ang babaeng itinakda na misyon sa akin.

Ang babaeng tunay na tagapag mana ng Verlo Academy.

Ang babaeng gusto ko.

Teka paano ko nga ba nalaman na siya ang tunay na tagapagmana.

Flashback

Unang kita ko pa lang kay Ashley Park ramdam ko na may kakaiba sa kanya, hanggang sa dumating ang araw na nag imbestiga ako tungkol sa kanyang pagkatao.

Ashley Mae Verlo Custodio ang kanyang tunay na pangalan.

Verlo apelido galing sa kanyang tunay na ina.

iniwan siya sa ampunan , dahil sa di malaman na kadahilanan.

Ngunit pagkatapos ng ilang taon binalikan siya sa ampunan ng kanyang ina, dahil sa namatay na ang kanyang lola, at kasama ang bago nitong asawa.

Hindi na rin binanggit ng mga madre sa ampunan na minsan nawala si Ashley sa kanilang pangangalaga.

Hindi na rin pinaalam ni ginang Verlo ang tunay na relasyon nilang mag-ina , baka malito lamang ang bata.

Lumipas ang maraming taon kumalat ang balita na bigla na lang nawala si Ginang Verlo at ang asawa nito.

kaya ang Verlo Academy ay naiwan sa pangangalaga ng kaibigan ni Ginang Verlo.

Ngunit sa kinasamaang palad, tuluyan ng inangkin ni Madam Victoria ang Academy.

Mula ng sinabi ko sa kanya ang tungkol sa aking natuklasan, inutusan niya ako na patayin si Ashley, dahil ito naman talaga ang gawain ng mga katulad kong assassin.

Patayin ang mga kalaban ng mga taong kumuha ng aming serbisyo.

FearLess Assassin ang grupo ng mga mamatay tao na walang habas kung pumatay.

Walang awa kung pumatay.

Kapag hindi mo nagawa ang misyon na inaatang sayo, ikaw mismo ang papatayin ng pinuno, walang iba kundi si Marco Sandoval.

Isang araw galing ako sa aking eskwelahan, papunta sa headquaters namin, nang bigla na lang nawala ang files ng mga impormasyon ukol sa pagkatao ni Ashley sa aking drawer.

Nag iwan na lang ang salarin ng isang sulat na naglalaman na "Thanks for the info --NK"

Rhaven POV

"We need to recruit new members of the frat" I stated, we are here at the conference room for the annual weekly meeting.

Bilang bagong leader nakaupo si Ken sa dulo na pahabang lamesa, nasa kaliwa niya si Jairus, habang sa kanyang kanan ay walang nakaupo dahil pwesto dapat ito ni Arlian, ngunit siya ay pumanaw na.

Katabi ni Jairus si Dale na kanina pa tahimik na parang may malalim na iniisip. Yap member si Dale ng frat

Present din sa meeting ang iba pang main member ng frat.

Nightmare Queen(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon