Chapter 12

254 8 6
                                    

Jacob Pov

Habang inaayos ko ang mga files sa aking lamesa biglang pumasok ang aming pinuno

"Balita ko kilala mo na ang pinapahanap sayo ni madam Victoria?".

Napatigil ako sa aking ginagawa, nagpakawala ako ng isang bugtong hininga bago sumagot. "Oo,".

Umupo siya sa upuan tapat ng aking lamesa, habang ginagalaw galaw niya ang panulat na nakapatong roon.

"Bakit ayaw mo pa siyang tuluyan?" tanong nito.

Lumayo ako sa lamesa at pumunta sa tapat ng bintana, kinuha ko ang kaha ng sigarilyo sa aking bulsa, at nagsindi ng isa..

"Hindi ko kaya," humithit ako ng sigarilyo at binuga ito sa hangin sa labas ng bintana. Naramdaman ko na lumapit siya sa akin at siya ay nasa aking likuran na.

"Anu ang pumipigil sayo para hindi mo siya patayin?" tanong nito.

Tumingin ako sa kanya at binigkas ang katagang nagpagalit sa kanya. "Naawa ako," tipid kong sagot.

Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang aking kwelyo ng napakadiin, tinignan ko ang kanyang mata, puro galit ang aking nakikita.

"Ang isang assassin hindi marunong maawa sa isang tao," nagpupuyos sa galit na wika nito.

"Kung hindi mo siya kayang patayin, ako ang papatay sa kanya," pagpapatuloy nito at saka niya binitawan ang aking kwelyo.

"Huwag mo siyang gagalawin" kusang nagsarado ang aking kamao, tanda ng pagpipigil nang aking galit para sa kanya.

"Sa ayaw at gusto mo, ako ang gagawa ng trabaho mo" pumunta na siya sa tapat ng pintuan tanda ng kanyang pag-alis.

"Subukan mo lang siyang galawin Marco Sandoval, ako ang makakalaban mo tandaan mo yan" at tuluyan na siyang lumabas sa pintuan.

Gywneth POV.

"Happy Birthday sis" lumapit sa akin si Dianne at nakipagbeso beso.

"Salamat" I smiled at her, well today is my birthday ang buong frat ay nandito sa aking bahay at nakikisaya para sa pagdiriwang ng aking kaarawan. Ang theme ng aking party ay Pool party.

*Boom*

Lahat ng nagsasaya ay biglang napahinto sa kanya kanyang ginagawa, dahil sa biglaang pagputok ng baril. Lahat ng mata ay napatingin sa taong nasa entrance ng swimming area namin. Syempre sino pa ba ang taong sobra ang pagka adik sa baril eh di si Irish. Ibinaba niya ang baril sa isang lamesa na nadaanan niya habang papunta sa stage.

Umakyat siya sa stage at hinawakan ang mike. "Mike test" Mike test" "Ehemmm ehemmm"

Naramdaman ko ang pagbulong ni Rhaven sa aking tainga. "So crazy ni Irish right?"

"Don't state na obvious rhaven hahaha" bulong ko rin sa kanya. Nabalik ang atensyon namin sa stage.

"Eheeeeemmm well balak ko sana mag sing, kaso minamalat me,kaya nag suprise paputok na lang ako ng gun di ba? By the way happpppyyyy birthdaaaay sa aking gagang kaibigan Gwyneth Jewel" binitawan niya ang mike at lumapit sa stereo na nasa stage at ito'y pinatugtug..

I'm bringing sexy back

Them other boys don't know how to act

I think you're special, what's behind your back

So turn around and I'll pick up the slack.

Take 'em to the bridge

Tinanggal niya ang kanyang jacket at nalantad ang spagheti lavander na kulay nang kanyang suot na tinernuhan ng maong shorts at black boots. "Woooooooooooooooooo" tilian ng mga lalaki na napasabay sa kanyang pag-indayog. "Kaibigan ko ba talaga yan?" bulong ko ulit kay Rhaven. "Yes? No? I don't know"

Nightmare Queen(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon