Chapter 8

253 12 1
                                    

NK Pov

"Kuya sa tingin mo ba, kapag nalaman ni mama na maghihiganti ka matutuwa ba siya?" nanlisik ang mata ko sa turan ng aking kapatid na si Jhane.

"Oo matutuwa siya dahil magkakaroon ng hustisya ang pagkamatay niya," mahinahon kong sabi kahit nangigigil na ako.

"Kuya anu ka ba hindi kailangan ni mama ng hustisya nagpakama___" Hindi ko na pinatapos ang kanyang dapat na sasabihin.

"Nagpakamatay nga siya, pero dahil yun sa pang bubully na ginawa sa kanya dahil sa pagpapahirap sa kanya kaya siya nagpakamatay, " nakita kong nanlumo ang kanyang mga mata dahil sa aking sinabi.

"Fine kung ayan ang magpapasaya sayo pero tandaan mo, hindi kita susuportahan sa mga binabalak mo," at tuloy tuloy na siyang pumunta sa may pintuan, pero bago siya makalabas lumingon ulit siya sa akin at winika na

"Papasok ako Verlo Academy kuya,"

Hindi ko na pinansin ang huling turan niya, ang aking isip ay okupado ng mga binabalak na gawin para sa aking paghihiganti. Naalala ko na naman si mama, si mama kung paano malungot at umiiyak pag uwi.

"Mama anung nangyari sayo bakit hinang hina ka?" salubong ko kay mama sa pintuan.

"Wala ito anak wag kang mag-alala," sabi niya sabay hawak sa aking balikat..

Napansin ko ang kanyang braso na puro pasa at ito'y aking hinawakan "Mama sino may gawa sa inyo ng mga yan?"

Hindi na ako pinansin ni mama at tuloy tuloy na siyang umakyat sa taas.

Sinundan ko si mama hanggang siya ay makapasok sa kanyang kwarto, habang ako'y nasa labas ng kanyang kwarto narinig ko ang kanyang pag-iyak.

"Sino ang nagpapaiyak kay mama?"

Isang linggo na ang nakakalipas natagpuan na lang si mama patay sa loob ng aming cr.

Siya ay may laslas sa kanyang pulso sa kanyang tabi isang maliit na papel ang nakalagay .Papel na naglalaman nang salita "Red Class"..

Ashley Pov

Napakalungkot ng awra ngayon nang Academy, pinagluluksa ang pagkamatay ng isa sa pinakamatalinong estudyante dito..

Andito ako ngayon sa isang bench katabi ng bldg namin mag-isa at nagpapahangin..

"Nagustuhan mo ba ang ginawa ko?" nagulat ako ng bigla magsalita na naman si Lina "Ikaw ang pumatay sa kanya?" tanong ko. "Ofcourse sabi mo eh," nanlaki ang mata ko sa turan niya..

"Kung ikaw ang pumatay sa kanya ibig sabihin ako rin ang pumatay?" tanong ko na may halong kaba sa aking mga salita.

"Hahaha Paano mo naman nasabi na ikaw din ang pumatay sa kanya?" nagtaka ako sa turan niya..

"Sabi mo kasi Ako ay Ikaw. Ikaw ay ako," parang ayoko ng marinig pa ang susunod niyang sasabihin. Nagulat na lang ako na may patalim na biglang lumipad papunta sa akin at ito'y tumusok sa puno na nasa likod ko..

Agad akong tumayo at tinignan ang lugar na pinanggalingan ng patalim, ngunit wala akong nakitang tao roon. Napagpasyahan ko na kunin ang patalim, akmang hahawakan ko na ang patalim na may biglang bumagsak mula rooftop..

Nang ito'y aking lingunin isang katawan ng tao, at napansin ko may nakasabit sa leeg niyang karton na nakasulat ang isang tanong na nagpahindik ng aking balahibo..

"Wanna die? ---Blood Skull"

Nightmare Queen(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon