Last Chapter

213 5 5
                                    

Napuno ng palakpakan ang buong theater arts room. Dahil sa natapos na ang huling movie entry para sa pacontest ng Verlo Academy.

"Wow so creepy naman ang pagpatay mo sa akin dito girl" wika ni Sheng sa kanyang kabarkada na si Ashley.

"Nice ang galing galing" palakpak na wika ni Arlian.

Naramdaman niya ang paghalik ni Jacob sa kanyang pisngi "Nice love"

Matapos ang ilang minutong pag-aantay inannouce ang nanalo sa Verlo Academy Movie of the Year.

Hinakot ng Nightmare Queen ang lahat nang awards para sa thriller category.

"And the waiting is over. Verlo Academy Movie of the Year goes to ........ Nightmare Queen"

Palakpakan ang buong BSIT Red Class student dahil sa kanilang pagkapanalo.

"Tinatawagan po namin ang direktor na si Ashley Park dito sa itaas ng stage upang tanggapin ang naturang award"

Agad akong tumayo at umakyat sa stage.

Halo halong emosyon ang lumukob sa aking pagktao.

"Una sa lahat. Maraming Salamat sa aking mga kaibigan na sumuporta sa Nightmare Queen, ang aking mga kabarkada na bigay todo sa pag-acting. Ang aking teacher na si Yehsia..Maraming Salamat po sa inyo" matapos nang aking pagpapasalamat.. Tinanggap ko ang plaque at cash award

Itinaas ko ang plaque at sinabing "Para sa atin to RED CLASS"


Matapos ng award night ay nagkaroon kami ng After Party sa bahay ng aking kasintahan na si Jacob Atlantis.

Sa susunod na taon tapos na kami sa pag-aaral at balak na naming magpakasal.

Tuwang tuwa ng malaman ni Boboy/Dale ang aming plano.. Agad itong nagprisinta na maging best man sa kasal namin.

Syempre makakatanggi ba ako sa kababata ko?

Yes kababata ko po si Dale.

Pero hindi sa ampunan.

Syempre buhay pa ang mommy at daddy ko.

Si Lina ayun walang tigil sa kakasayaw, kahit na split personality ko lang siya sa movie, laking pasasalamat ko sa role niya. Ang galing niya kayang manakot.

Habang si Arlian at Ken ay away at bati pa rin sa kanilang relasyon, buti na lang hindi pa sila naghihiwalay.

Si Dianne at Martin ay nagkabalikan na rin.

Todo ang pag-iyak ni Dianne nun nakipagbalikan sa kanya si Martin.

Mahal na mahal niya talaga kahit babaero.

Si Irish naman na straight na rin ang pag eenglish, hindi na rin siya conyo.

Naglapitan sila sa hapag kainan kung saan kami nakaupo ni Jacob.

"Cheers para sa tagumpay ng Nightmare Queen" turan ni Jairus habang nakatass ang kopita na may lamang alak.

"cheers" at sabay sabay namin pinagdikit ang aming mga kopita.

"Cheers para sa nalalapit na pagpapakasal ni Maemae at Jacob" sabi ni Dale.

"Cheersss" sabay sabay naming turan.

Matapos ng kainan, napagpasyahan namin na pumunta sa sala.. Habang namimili kami ng movie na papanoorin namin, ang telebisyon ay naka tune in sa news Tv.

ISANG HINIHINALANG MAGNANAKAW NA NAMAN ANG NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY DITO SA MAY QUIAPO.. ANG BANGKAY NG BIKTIMA AY MAYROONG LASLAS SA KANYANG LEEG.. NAKUHA SA BAG NG LALAKI ANG MGA IBA'T IBANG CELLPHONE AT ALAHAS SA LOOB NITO.. AYON SA PULISYA ISANG GUMAGALANG VIGILANTE ANG MAY NAGAWA NG KARUMAL DUMAL NA KRIMINALIDAD.

Pinatay bigla ni Clarisse ang telebisyon

"Why did you turn off that?" maarteng turan n Gwyneth.

"Mamili na muna kayo ng papanoorin niyo" sabi ni Clarisse, agad na lumabas si Clarisse sa bahay upang magsindi ng sigarilyo.

Sinundan ko siya sa hardin upang kausapin.

Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench ng hardin at nilapitan

"Ikaw ba ang pumatay sa magnanakaw?" tanong ko sa kanya.

Hinithit niya muna ang sigarilyo at ibinuga ito. "Hindi ako, magkakasama tayo mula kahapon eh" turan nito.

"Kundi ikaw? Sino?" nagtataka kong tanong.

"Ako" agad kaming napalingon sa boses na nagsalita.

--------------------------------------------------------------------

The End

Nightmare Queen(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon