Prologue

581 18 2
                                    

Sa panahon ngayon, marami ng nagmamahal.

Bigas, isda, karne, softdrinks, de lata, load, pati nga napkin eh.

Ako nalang ata ang hindi.

Saklap, sobrang saklap ng buhay ko. Sobrang sakit pala ng maiwan pagkatapos mong mag effort ng sobra-sobra iiwan ka tapos di pa siya nakuntento niloko ka pa.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano ang dahilan. Kung bakit niya ako iniwan. Ginawa ko naman lahat ah, sinusunod ko siya lalo na pag may pinagseselosan siyang ibang lalaki na lumalapit sakin nilalayuan ko kagad.

Ewan ko ba kung bakit minahal ko pa siya. Kung bakit sa dami ng lalaki sa mundong to sa kanya pa ko nagkagusto.

Totoo nga talaga yung Love is Blind kasi pag mahal mo isang tao wala kang ibang makikita sa kanya kundi yung feelings mo lang.


Di mo maiisip na, di niya kaya mag effort sayo smantalang ikaw kayang kaya mo. Saka wala na din siyang ibang ginawa kundi saktan kat paiyakin pero wala lang yun sayo kasi mahal mo.

Pero bigla mo nalang marerealize na talagang isa kang bulag pag iniwan ka na ng taong akala mong mahal ka.

At isang parusa na sakin ngayon na pagkatapos ng break up namin hindi ko parin siya makalimutan.

Lagi ko siyang naaalala lalo na pagpauwe na ko sa bahay galing sa eskwela hindi din ako makausap ng matino ng mga kaibigan ko. At di rin ako makakain ng maayos, iyak lang ako ng iyak.

Bat ganun? wala naman akong ginawa sa kanya, minahal ko lang naman siya. Tapos ganon nalang.

Lagi ko na lang nga iniisip na hindi talaga kami para sa isat isa pero makulit din talaga tung puso ko eh ang hirap-hirap pakiusapan.

Minsan nga pag nakikita ko siya sa school gusto ko talaga siyang lapitan. Pero pinipigilan ako ng mga kaibigan ko, kasi magpapakatanga na naman daw ako. Sasayangin ko na naman daw yung luha ko sa kanya.

Ang hirap, sobra.


Lalo na kapag nakita mo siyang may kasamang iba.

Totoo nga sigurong walang Happy Ending, dahil kadalasan namang nangyayari sa isang Story puro Sad Ending.









A/N: Bali pangalawang story ko na to kaso di ko lang tinapos yung isa kasi nawala bigla yung mga plots ng story sa isip ko, inshort busy kasi ako hehe. Kaya sana magawa ko na tong pangalawa ng diridiretsu at walang palya. :D

Sa mga readers dyan na nagbabasa na po ng story na to, kayo na po ang bahalang humusga. Nuxx! Basta kung magustuhan niyo po, sana ivote niyo rin para sa ating ekonomiya. ;)

-septembermushroom.

The Brokenhearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon