Galit na galit na lumabas sa klase si Placido Penitente. Halos hindi na siya makapagtimpi at nais na gumawa ng isang libo't isang paghihiganti.Nakita niyang nagdaan lulan ng isang sasakyan si Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog.
Nang mapadaan naman sa Escolta ay may nadaanan siyang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig niya sanang pag-uundayan ng suntok ang mga ito ngunit nagpigil si Placido.
Nadaanan din niya ang dalawang kadete na nakikipag-usap sa isang kawani saka sinagasa mga ito.
Sa kanyang tinutuluyan ay dumating si Kabesang Andang na kanyang inang taga-Batangas. Naghinagpis ang ina nang magpaalam si Placido na hindi na mag-aaral.