Punong-puno ng tao sa dulaan ngunit lampas na sa oras ay di pa rin nagsisimula ang palabas dahil hinihintay pa ang Kapitan Heneral. Marami nang naiinip, nagsisipadyak at sumisigaw na buksan na ang tabing.
Ang lugar na tinatawag na palko na may pulang kurtina ay uupuan ng Kapitan Heneral. Isang ginoo ang umupo sa butaka at ayaw tumindig. Si Don Primitivo kasi ang may-ari ng upuan kinauupuan nito.
Dahil dito'y tinawag ni Don Primitivo ang tagapaghatid sa upuan nang makita niya na ayaw tumindig ng ginoo. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip.