Matapos malaman ang pangyayari ay patakbong nagtungo si Ben-Zayb sa kanyang bahay. Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay umuwi si Ben Zayb sa kanila. Hindi siya natulog ng gabing iyon. Nagtiis siyang iwan ang hapunanan at sayawan.
Sa kanyang pagsusulat ay tila gumagawa si Ben-Zayb ng panibagong istorya. Ayon sa kanyang pagkakasalaysay, ang Heneral ay naging bayani, ang pagsuot ni Padre Irene sa ilalalim ng mesa ay naging udyok ng katapangan dahil ginawa niya ito sa patatangkang paghuli sa nagkasala. Kay Don Custodio naman ay inalala ang katalinuhan at paglalakbay, samantalang ang pagkahimatay ni Padre Salvi ay gawa umano ng malaking dalamhati ng mabait na Pransiskano.