KABANATA 39 (KATAPUSANG KABANATA)

17.8K 42 0
                                    

Ang Padre Florentino ay malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum. Umalis si Don Tiburcio de Espadaña sa pag-aakalang siya ang Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa gabing iyon. Akala niya'y natunton na siya ni Donya Victorina na kanyang asawa.

Isang telegrama ang pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre Florentino. Anang telegram, "Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte".

Si Simoun talaga ang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating sa bayan nina Padre Florentino si Simoun may dalawang araw na ang nakararaan. Di na siya inusisa ng pari. Walang alam ang pari tungkol sa mga kaganapan noong gabi ng piging sa Maynila.

Ang akala ng pari ay kaya sugatan si Simoun sapagkat may naghiganti dito sa kadahilanang wala na ang Kapitan Heneral. Ngunit paliwanag ni Simoun ay nagkasugat lamang siya dahil sa kawalan ng pag-iingat.

Nang matanggap ng pari ang tlegrama ay naghinala ito na si Simoun ay tumakas sa mga kawal na tumutugis sa kanya sa Maynila.

El Filibusterismo (Buod)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon