KABANATA 32 (ANG BUNGA NG MGA PASKIL)

20.6K 33 0
                                    

Dahil sa mga nangyari sa mga mag-aaral ay hindi na nagpaaral ng mga anak ang mga magulang.

Sa unibersidad naman ay maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen at sa kanilang kurso. Hindi man nakapasa ay ikinatuwa pa rin iyon ni Tadeo at sinunog pa ang kanyang mga aklat. Hindi rin nakapasa sina Makaraig, Pecson, at Juanito Pelaez.

Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Nagmadali namang pumunta sa Europa si Makaraig. Sina Isagani at Sandoval lamang ang nakapasa. Si Basilio naman'y hindi pa nakakakuha ng pagsusulit dahil nasa bilangguan pa. Sa bilangguan na rin niya nalaman ang pagkawala ni Tandang Selo at pagkamatay ni Juli. Sa tulong ng kutserong si Sinong na tanging dumadalaw sa kanya ay nalaman niyang lahat ang mga pangyayari.

El Filibusterismo (Buod)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon