Ang piging ay idinaos ng mga mag-aaral sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing-apat silang lahat kabilang na si Sandoval.
Matatalim magsalita ang mga estudyante. Kahit pa nagtatawanan sila ay ramdam pa din ang kanilang hinanakit.
Dumating na din si Isagani. Si Pelaez na lang ang wala. Sana daw ay si Basilio na lang ang inimbitahan kaysa kay Juanito, ani Tadeo. Malalasing pa daw sana nila si Basilio at baka sakaling mapaamin ang lihim tungkol sa nawawalang bata at sa isang mongha.
Habang kumakain ay inihandog nila kay Don Custodio ang pansit lang-lang, ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala, ang lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene at ang torta'y inukol sa prayle (torta de Frailes).