Ipinatawag ng isang katedratikong si Padre Fernandez si Isagani. Ito'y labis na iginagalang ng binata.
Narinig daw umano ng pari ang pagtatalumpati ni Isagani. Itinanong din nito kung kasama ba siya sa hapunan. Pinuri ng pari ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan.
Nagpatuloy sa pagsasalita ang pari at sinabing may mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamihan doon ay pumupula at lumalalos sa mga prayle ngunit walang makapagsalita nang tapatan o harapan.