KABANATA 29 (ANG HULING PATI-UKOL KAY KAPITAN TIYAGO)

17.2K 32 0
                                    

Marangya ang libing ni Kapitan Tiyago. Hinirang si Padre Irene na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Ang malaking kayamanan ng namatay ay napunta sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. Ang dalawanpung piso ay itinira para pangmatrikula ng mga estudyanteng mahihirap.

Inalis ni Kapitan Tiyago ang dalawampu't limang piso na pamana kay Basilio dahil sa kawalang-utang na loob umano nito ngunit isinauli ni Padre Irene at siya na raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.

Pinagtatalunan nila kung anong damit ang susuotin ni Kapitan Tiyago. Ipinirisinta ni Kapitan Tinong ang kanyang sirang damit-Pransiskano na nabili niya sa isang prayle sa halagang tatlumpu't anim na piso. Handa raw niya itong ibigay sa kaibigan na ni minsan ay hindi niya nadalaw noong nabubuhay pa.

El Filibusterismo (Buod)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon