Tanghali pa lang sa school, nagyayaya na si Zen maginom.
Tol, wala na ako klase. Tarang 81 (inuman namin) -text ni Zen
Nagkatinginan si Denden at Jessica. Sabay ngiti.
"Tara na" reply nila kay Zen
"Jo san ka?'' -text ni Denden
"tol nasa klase pa ako" -sagot ko
"Inom kami 81, sama ka?"
"Sunod na lang ako pagkaawas ko tol. Ingat kayo."
Natapos ang klase.
Pagkaawas ko. Sunod agad ako sa 81.
"Oh Jo shot na! Huli ka na eh!" sigaw ni Jessica na may kasamang boylet
Shot ako.
"Saan si Romulo?" tanong ni Denden
"Nasa kanila" sagot ko
"Di mo niyaya?" tanong ulit ni Denden
"Bat ko yayayain eh lakad barkada to?" sagot ko
Tuloy ang inuman.
*Hindi ko naisip na silipin ang phone ko, ang dami na pala text at tawag ni Romulo.
"panget awas ka na?kita tayo"
"panget.kumain akong pansit canton.yung dilaw.miss na kita :( "
"panget bakit di ka nagrereply o nasagot sa tawag?"
"panget nagaalala na ako :( "
"panget"
Nakitext ako kay Zen, kunyare wala ako load.
"panget dito pa ako school sorry. yung prof kasi namin ang tagal magpaawas" text ko
"ganun ba panget, bakit kay Zen gamit mo number? akala ko ba nasa school ka pa?"
*Di ko alam na nakasave pala number ni Zen sa phone nya. Isip agad ako dahilan.
"ay panget kasi, paglabas namin ng school nandun na si Zen, kaya nakitext ako agad."
"ganun ba panget, bute nakatext ka agad. nagaalala na ako eh. iloveyou panget!" lambing niya
"iloveyou too panget, bebehave lagi yan ha?" lambing ko din (landeeee!)
"Jo shot muna! Papuntahin mo dito si Romulo!" sigaw ni Jessica
Di ko pinansin si Jessica, pero shot ako.
"Tol nagreply si Romulo. Landi nyo!" sabay tawa ni Zen
"opo bebehave din yan ha? edi awas ka na panget? sunduin na kita. hatid kita saten (samin) " reply ni Romulo
*Di niya pwedeng malaman na nasa inuman ako kasi magagalit siya. Nagdahilan na ulit ako.
"naku, pauwi na ako panget. exam kasi namin bukas. Magaaral pa ako hay :( "
"tulungan kita magaral panget? :) " sagot nya
"ayy matutulog pala ako maaga panget. maaga exam bukas. sorry :( " dahilan paaaaaa
"kawawa naman yang panget na yan pagod sa school eh. sipag kasi magaral. sige po. ingat paguwi yan ha? mahal na mahal kita panget :) "
*Di ko na nireplyan. Tuloy ang inuman.
BINABASA MO ANG
Buhay Ng Matinong Bata (ongoing)
RomanceBuhay barkada, buhay kasama ang pamilya, buhay sa paaralan, buhay kasama ang panginoon at ang buhay pagibig :") #SHORTSTORY