*Ako si Jo, 22 years old. Simpleng tao, kababaeng tao pero may mga kalokohan sa buhay. Sa pamilya ko pabigat ako. Nagdodota ako hanggang umaga, Lagi ako nagiinom, napapatrobol, nauwi ng umaga na. Lahat ng ginagawa ko ay may kalakip na sakit, saya at kung anu ano pang maaari ko palang matutunan.
*Oh? Di ko na kkwento talambuhay ko mula pagkaanak, sigurado mababagot kayo. Hahaha! Simulan ko na lang sa mga panahong natuto akong magmahal. Ese. HAHAHAHA Gorakis.
"tol shot na!" Sigaw ni Nich
Nagsimula na naman kaming maginumang magkakabarkada.
"Grabe tol, break na naman kayo?" tanong sakin ni Denden
"Paulit-ulit na yan eh, Palima na? Nagpapakatanga." Sumingit si Zen
"Mahal mo pa ga?" biro ni Jessica
Ako eto, nakayuko. Nagiisip kung sino ba sakanila ang papakinggan ko.
*Ayun, may bagong karelasyon na naman kasi yung ex ko. Na pag babalikan ako kasi sawa na sa isa, binabalikan ko. Tanga ko ba? :3
*Dumarating pala talaga tayo sa puntong napakasakit ng nararamdaman natin hanggang sa sumuko na tayo sa taong mahal natin. Pero pag bumalik siya at ipinakitang nagsisisi siya sa nagawa niya sa'yo, nabubura lahat ng sakit at napapalitan ng pagtanggap at pagmamahal mo ulit sakanya? Martyr ba tawag dun o sadyang tanga lang?
"tol una na ako uwi, sunduin pa ako ni Marky" sumingit si Nich
Sige tol, ingat! Diretso bahay ha, hindi sa bahay ni Marky!" sigaw naming lahat
Sabay tawa! Beso, beso, beso, beso, beso.
Umalis na si Nich.
"Oh tol, beer naman!" sigaw ko
"Nagmamayabang na naman tong si Jo" sagot ni Denden
"Mamaya iyak tawa yan!" tawa ni Zen
Ayun nga, bagsak ang kayabangan ko. Inakay na nila ako.
Pauwi na kami ng mga barkada ko, nakasalubong namin si Romulo (ex ko)
"Oh? Lasing na naman si Jo? Bakit nyo pinainom ng madami?" tanong nya
"Pakelam mo? Kayo ba?" sagot ni Jessica
"Hatid ko na siya." sagot naman ni Romulo
"Kami ang maghahatid sa kanya, wala kang pakelam!" sabay sabay nilang sagot
Bigla ako sumingit,
"tol hayaan nyo na, ipahatid niyo na ako sa kanya para makapgusap kami."
"Hay nako, ano pa nga ba. Kelan ka ba matututo Jo!"
Sabay sabay silang umalis.
Inakay ako ni Romulo,
"Bakit ka ba nagpapakalasing?" malumanay nyang tanong
"Nagtaka ka pa?" sagot ko
"Alam mo namang ikaw ang mahal ko, wag ka ng magduda." bulong nya
"Ako? seryoso? May bago ka na nga eh." sagot ko
"Wala yun, Jo ikaw lang ang minahal ko ng ganito, sayo lang ako napuntang bahay at nagpakilala sa pamilya, sana naman magtiwala ka sakin."
"May tiwala ako, pero sa mga naririnig ko. Wala. Masakit na eh. paulit ulit.''
"Bigyan mo pa ako ng pagkakataon, Hindi ko kayang wala ka." nakiusap si Romulo
"Sige, pagbibigyan kita. Pero sana wag na maulit lahat."
"Mahal na mahal kita Jo.'' lambing nya
"Ako rin." Sagot ko.
Pumasok na ako ng bahay at di ko na siya nilingon.
Kinabukasan...
Sa tambayan naming comp shop.
"Pakyu tol! Sakit ng ulo ko!"
Sigaw ni Jessica.
Sabay tawa naman ni Denden at Zen.
Dumating si Kris.
"tol di ako nakasama kagabe, si mader kasi. naawardan ako."
Sabay tawa ulit nina Denden Jessica at Zen.
Dumating Ako,
"Ano mga tol? Laseng?"
Hindi sila umimik.
Si Kris ang sumagot. Anyare kagabe?
"Ayun! May nagpakatanga na naman!" Sabay sabay yung tatlo
"Wala eh, nagmamahal lang. Matututo din ako tol. Intayin nyo lang." bulong ko
Sabay batok ni Denden, "Tadu di kami galit. Ayaw lang naming nasasaktan ka!"
Sabay ngiti ko naman :)
*Kahit kasi puro mura at kalokohan alam ng mga barkada ko, inaalala din naman nila nararamdaman ko. Ganun din naman ako sa kanila. Drama. shet! HAHAHA
Hinampas ako ni Denden. "hoy Jo ano na namang iniisip mo? Tara ng pumasok, late na tayo
"Oo nga tara na! Excited na akong magaral!" sagot ni Zen
"Magyoyosi ka lang sa school eh!" Biro ni Kris
Magkakasama kasi sa school si Kris, Zen at Nich tapos Ako, si Jessica at Denden naman ang magkakasama.
BINABASA MO ANG
Buhay Ng Matinong Bata (ongoing)
RomansaBuhay barkada, buhay kasama ang pamilya, buhay sa paaralan, buhay kasama ang panginoon at ang buhay pagibig :") #SHORTSTORY