xiv LUB DUB

41 2 0
                                    

"Hi bangaw, may lakad kami ngayon ni Mean. Wag ka muna text ha? Text kita maya. Iloveyou!"

Text ni Mark <//////3

Kaya ko bang tiisin ang ganitong pangyayari? Mas hahayaan ko bang lokohin namin si Mean at ang sarili ko? HAAAAYYYY

Di ko nireplyan si Mark. OUCH kaya! HAHAHAHAHAHA

Wala akong magawa. Kaya naghanap ako ng makakainuman.

Tinext ko sina Zen, pero di sila pwede kasi naghahanap sila ng trabaho. WEH? HAHAHAHAHA

Nag GM ako. "SHOT?"

Nagreply agad si Mean

"Tara!''

Nagulat ako kasi ang alam ko ay magkikita sila ni Mark.

"Sure ka?" reply ko sakanya

"Oo. Sunod ako maya" sagot niya

Edi naginom muna ako magisa. HAHAHAHAHA

Maya maya'y hapon na. Di ko namalayan ang oras. Tinext ko sina Zen.

"Saan kayo?" 

"Tapos na kami. Saan ka?" sagot ni Zen.

"Tol tapos na kami. Nashot ka?'' text naman ni Denden

"Dito ko BP. Sunod kayo?"

"Oo. Otw na. HAHAHAHA" sagot nila

Maya maya'y nagtext si Mean.

"Jo hindi na ako makakasunod ha."

Gets ko na. Baka napasarap ang bonding nila ni Mark. HAYST. HAHAHAHAHA

Dumating sina Denden.

"Ano mga tol kamusta ang apply?'' bungad ko

"Ayos naman. HAHAHA" biro nila

Inuman ulit. Kantahan. Kwentuhan.

Maya maya' nagtext na si Mark.

"Hi Bangaw! Imissyou! Dito na ako bahay."

"Kamusta lakad niyo ng MAHAL mo? HAHAHAHA" biro ko sakanya

"Ok naman kami. Kaso di talaga ako masaya. Di ako nageenjoy.''

"Suuuus. Nasasabi mo lang yan kasi ako ang kausap mo.''

"Seryoso ako. Oo sige nandun yung pagmamahal, pero yung spark and enjoyment na hinahanap ko sa relasyon namin. Wala eh. Bakit kaya?"

"Uhm, baka naman akala mo lang yun bangaw? Siguro hinahanap mo yung ugali niya, pero di hindi mo alam eh hinahanap lang din niya ang ugali mo. Kaya hindi kayo nagkakaintindihan.'' payo ko sakanya."

Hindi na siya nagreply.

Tuloy ang inuman.

Siyempre nakainom, medyo malakas ang loob.

Maya-maya'y

Niyaya ko si Zen kina Mark.

Todo PUSH naman'tong si Zen kahit di pa namin alam ang mismong bahay nila. Hahanapin ko talaga. HAHAHAHAHAHA

Kahit naulan nun eh nagpunta talaga kami. Tinext ko si Mark.

"Saan ka? Saan ba yung inyo?"

"Ha? Bangaw mula sa inyo eh mga 30mins ang byahe. Ikaw talaga."

Di ko na siya nireplyan. Nagbyahe na kami ni Zen. Alam namin ang pangalan ng lugar pero hindi namin alam kung saan ang bahay nila Mark kaya goodluck samin. HAHAHAHAHA

After 10mins.

"Bangaw di ka na nagreply? Pinagpalit mo na ba ako? :( " text ni Mark

Kilig naman aketch! HAHAHAHAHAHA

Di ko pa din nireplyan.

After 20mins bumaba na kami sa barangay nina Mark at tinext ko na siya.

"Bangaw dito ako sa barangay niyo. Gusto kita makita eh. Kaso di ko alam bahay niyo. HAHAHAHA"

"Ha?! Ikaw talaga bangaw. Nasaan ka? Pupuntahan kita." reply niya

"Dito sa may kanto sa may ministop. Kasama ko kaibigan ko."

"Ah malapit lang kami diyan. Pasok kayo sa loob. Diretso lang lalabas ako kasi madilim sa labas namin."

Maya maya'y nakita ko na siya.

O______O LUB DUB LUB DUB! <3

"Oyy bangaw! Dito kayo." Tawag ni Mark

"Waaaaa tol siyet i'm inlove. HAHAHAHAHA" Bulong ko kay Zen

Sabay batok naman saken ni Zen. HAHAHAHAHA

Paglapit namin kay Mark.

"Hello bangaw!" ilang kong bungad sa kanya

"Natutuwa naman ako sayo bangaw. Hinanap niyo pa talaga 'tong bahay namin." tuwang tuwa niyang sagot

Ngumiti lang ako. Kasi nahihiya talaga ako. HAHAHAHAHA

Tumambay kami kina Mark. Kwentuhan. Tawanan. Hindi namin namalayan ang oras. Ewan pero sa unang pagkikita namin ay ibang saya ang naramdaman ko kasunod noon ay mas lalo akong natakot kasi mukhang minamahal ko na talaga siya kahit alam kong mali kahit alam kong may babaeng unang nagmamay ari sa kanya.

Buhay Ng Matinong Bata (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon