Walang pagsidlan ang sakit. Sa tindi ng sakit, tila namamanhid na ang kanyang buong katawan.
"A-ate..." impit nitong daing habang duguang gumagapang papalapit sa nakabulagtang kapatid.
Wala na itong saplot na pang-ibaba. Bahagya nang nakalabas ang kalahati ng dibdib nito dahil sa punit-punit nitong pang-itaas.
"A-ate..." marahan nitong inalog ang dalagang tinawag nitong ate, ngunit hindi na ito gumagalaw.
"Ate ko..." napapahikbing wika nito, nang mapansin nitong basag na pala sa bandang likuran ang ulo ng tinawag nitong ate--nagkalat na rin ang dugo sa bandang ulunan nito.
Kung sino man ang pumaslang sa kanyang nakatatandang kapatid na babae, tiyak na malakas na iniuntog ang ulo nito sa marmol na sahig.
Gustuhin man n'yang magwala at umiyak, hindi na nito magawa pa dahil sa panghihina at labis na sakit ng katawan. Ni hindi na nga nito kayang tumayo o gumapang man lang nang mas malayo pa sa kasalukuyang kinalalagyan.
Copyright 2014 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza, All rights reserved.
Bagaman masakit din ang leeg n'ya, unti-unti rin nitong nilingon ang kanyang bandang ibaba. Sa dakong 'yun, bumulaga na rin dito ang katotohanang may lumapastangan nga sa kanya. Bukod do'n, nadiskubre rin nitong punit-punit na ang kanyang pang-itaas at halos mangitim na--at mamaga, ang kanyang buong katawan dahil sa 'di mabilang na tama ng kung ano mang matigas na bagay ang inihataw sa bawat himaymay ng kanyang murang katawan. May mga paso ng sigarilyo ang puwitan nito, at may natatanaw ring natuyong dugo na wari'y dumaloy mula sa gitna ng kanyang mga hita.
Dahan-dahan itong lumingon habang nakadapa pa ring pinasadahan nito nang tingin ang kanyang kapaligiran. Daig pa ng dinaluyong ng bagyo ang kanilang tahanang, kahapon lang ay napupuno pa ng sigla, kasaganaan at kasiyahan.
"M-mama..." Nang mamataan nito ang kanyang inang duguang nakasampay nang patihaya sa sandalan kanilang sofa. May tama ng bala ng baril sa gitna ng noo nito.
"M-mama..." Halos wala nang lumabas na boses sa lalamunan n'ya. Naubos na ito sa pagmamakaawa sa mga taong nanloob sa kanilang masayang tahanan ngayong gabi. Ngayong gabing...bisperas pa man din ng pasko.
"P-papa!" Namamaos nitong hiyaw sa kanyang amang wala na ring buhay na nakahandusay sa may pintuan ng kanilang maganda at magarbong bahay. Nakatumba na ang kanilang higanteng Christmas tree sa ibabaw ng katawan nito.
"Kuya..." Pagtawag naman nito sa panganay nitong kapatid. Matapos nitong matanaw ang wala na ring buhay na kapatid na lalake. Nakasalampak ito padapa sa may ikatlong baitang ng kanilang hagdanan. Bakas sa likod nito ang hindi mabilang na saksak.
"Aaaahhhh!"
Namamaos nitong pagsigaw sa labis-labis na pagdadalamhati.
"Aaaaaahhhhhhhhhh!"
Paulit-ulit nitong pagpalahaw kahit halos wala nang tinig ang lumalabas sa lalamunan nito.
"AAAAAAAHHHHHHHHH!"
Tila nababaliw nitong pagsigaw, bagaman batid nitong wala namang nakaririnig sa kanya. At Kung meron man...huli na.
Hindi na ito makahinga sa tindi ng pagdadalamhati.
Labis-labis na kalungkutang panghabang panahon nang tatak sa isipan nito.
Walang kapantay na kirot, kasama ang malaking katanungan at mga katagang hindi marapat na sumasagi at namumutawi man lang sa isipan ng isang walong taong gulang na batang katulad n'ya...
Bakit ako nakaligtas?
Bakit humihinga pa ako?
Bakit buhay pa ako?
Sana...sana...namatay na rin ako.
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
Warak
Mystery / ThrillerStandalone [Completed] Language: Filipino Don't mess with someone who has nothing to lose. [Official Website] www.warak.dyslexicparanoia.com [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Psychological...