Alexa's P.O.V.
"Kapag nalaman namin na may sakit ka pala, yari ka sa 'min!" Pagbabanta ni Ray sa akin, habang naghihintay nga resulta ng aming Full STD and HIV testing. "Ako mismo ang papatay sa 'yong puta ka!"
Ang mga walanghiya. Ako pa ngayon ang pinag-susupetsahan nilang may sakit, samantalang sila itong kung sino-sino rin ang ginagalaw at ginagahasa.
"Kung ako ang may sakit, e di mabuti. Para mamatay na ako na kasama kayo." Bulong ko; na mukha namang hindi nila narinig.
Biglaan kasing nagkasakit si Kiko at Lino, bumagsak ang kanilang resistensya, kasabay ng pagtubo ng mga singaw sa bibig. Nang dahil do'n, binitbit nila akong apat para magpa check-up.
Alalang-alala 'yung apat. Ako naman ay walang pakialam. Gusto ko na ngang mamatay, aalalahanin ko pa ba ako kung may sakit ako o wala?
Sana nga may sakit na ako.
Sana positive.
"Negative!" Tuwang-tuwang sigaw ni Lino matapos nakausap ang duktor na nag-analisa ng kanyang resulta.
Kulang lang daw pala sa intake ng bitaminang B12 o Folate ang hunghang na chinito sa kanyang katawan kaya tinubuan ito ng mga singaw.
"Negative din!" Si Kiko naman. Na nagka-singaw lang pala dahil sa kangangata niya ng tobacco.
Buwisit na buhay! Mukha yatang malinis nga ang apat na ito ah.
"Negative!" Magkabukod na sigaw din nina Gil at Ray, matapos na makuha ang kani-kanilang resulta.
Damn it! Bakit negative?
"Negative, hija." Sabi ng OB GYN na nagsagawa ng full Gynecological exams sa akin. Bukod ito sa STD and HIV testing na isinagawa naman ng ibang espesyalista sa laboratoryo. "Pero, marami ako nakitang vaginal lacerations na..."
"Ok na po ako doc!" Pagputol ko, sabay tindig, "Kung negative, eh di negative." Nag-walkout ako.
Ano pa ba ang kailangan kong marinig? Not unless siguro kung sasabihin n'ya na malapit na akong mamatay, wala akong panahong makinig sa ma bagay na may kinalaman sa aking kalusugan.
Marahil, nagtataka ito sa naging asal ko. Hindi ko na kasi talaga maitago ang pag-kainis. Kung bakit naman kasi sa dinami-rami naman ng mga may sakit na tao sa balat ng lupa--na gusto pang mabuhay, eh ako pa ang isinumpa ng langit na mabuhay nang mas matagal dito sa putang inang mundong ito!
"Uy... mukhang tuloy ang ligaya natin ah!" Ani Ray, habang naghihiyawan ang tatlo. Papalabas na kami ng klinika. Nakapulupot ang kaliwang braso nito sa bewang ko, inaamoy-amoy rin nito ang leeg ko.
Tangina n'yo! Mga hayup! Mga baboy!
"Pinagbigyan ko na kayo sa pagpapa check-up. P'wede bang ako naman ang pag-bigyan niyo ngayon?" Sabi ko nang nasa sasakyan na kami. "Kailan n'yo ba planong isagawa ang proyektong ipinagagawa ko sa inyo?"
"Sa sabado." Sagot ni Gil.
Sabado? Eh martes pa lang ngayon ah!
"Kailangang gumaling muna itong dalawang lampa!" Kantyaw ni Ray kay Kiko at Lino. "Mahirap na, baka sumablay pa."
Buwisit na buhay. Kailan ba matatapos ang pagtitiis ko?
BINABASA MO ANG
Warak
Mystery / ThrillerStandalone [Completed] Language: Filipino Don't mess with someone who has nothing to lose. [Official Website] www.warak.dyslexicparanoia.com [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Psychological...