Jacob's P.O.V.
Isang linggo na ang nakalilipas mula nang huli kong nakita si Alexa. Kahit wala nga akong pupuntahan, inaabangan ko ito sa sakayan ng Jeep. Maging sa eskinitang pinuntahan nito no'n, nagbaka-sakali ako. Pero walang suwerte. Hindi ko na ito nakita pang muli.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang epekto nito sa 'kin.
Dahil lang ba ito sa naaawa ako sa kanya?
Pero...hindi eh. Alam kong hindi. Dahil ganun na ang dating nito sa 'kin kahit no'ng una ko itong nakita--no'ng hindi ko pa ito kilala. Kaya nga siguro hindi ako nakaalis agad sa tabi nito no'ng nagka-engkuwentro sila ng holdaper.
Dahil ba sa maganda siya?
Hindi naman ako naging partikular ni minsan sa hitsura ng tao.
Hmmm...
Hindi kaya dahil sa...
"Ay Kuya, yan na nga ang tinatawag na love at first sight. In love ka na talaga big bro, sure na!" Sabi sa akin ni Eliza. Hindi naman kasi nakakaligtas sa kanya ang pagkabalisa ko. "Hindi naman kita masisi, Kuya, ang ganda naman kasi n'ya 'no. Kamukhang-kamukha niya si Keiko Kitagawa. Naks! Josh Hartnett plus Keiko Kitagawa equals to a cute na cute na Asian American looking baby. Bagay kayo, promise! Ahahay!"
Keiko what? Sino naman kaya 'yun? Artista na naman? Tsss. Lahat na yata rito sa kapatid ko may kamukhang artista. Hindi ba pwedeng kamukha mo na lang ang sarili mo? O 'yung Artista na lang ang may kamukha sa 'yo? Tutal, ikaw ay ikaw at hindi nagpapanggap na kung sinong karakter.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
"Bagay nga, pero mukhang ayaw naman n'ya sa akin." Bulong ko. Pero alam kong narinig n'ya.
"Sabi ni Mommy, ganun lang daw talaga ang mga babaeng may mabibigat na pinagdaanan na katulad ng kay Ate Alexa. Dahil sa nangyari sa kan'ya na, bukod sa pinatay ang buong pamilya n'ya eh na-rape pa s'ya, kaya nag-rock bottom ang self-esteem n'ya. At siguro nga dahil na rin sa kung anong klaseng bulok na judgemental society na meron tayo. Karamihan daw talaga ng mga biktima ng rape, feeling nila, wala na silang karapatang mahalin, maging masaya at mabuhay ng normal. Alam mo na. Nabubuhay kasi tayo dito sa lugar na may discrimination sa mga babaeng hindi na virgin. Ang unfair nga e. Kapag lalake ok lang, mas astig pa nga. Pero kapag babae, parang marumi ka na."
"Ilang taon ka na ba talaga, thirteen o thirty one?"
"Mukha lang akong thirteen, pero thirty-one na talaga ako, kuya." Sabay halakhak. "Pero 'yun nga, baka sadyang umiiwas na siya sa kaguwapuhan mo dahil feeling n'ya hindi s'ya bagay sa'yo dahil hindi na siya... 'ganun'."
"Anong 'ganun'?"
"'Yung 'ganun'. 'Yung hindi na birhen."
"Hindi naman mahalaga sa akin 'yun."
"Alam ko 'yun, pero hindi naman n'ya alam 'yun. Not unless, sinabi mo. I'm sure nag-assume na lang yun lalo na at nabanggit ni Mommy na gusto mo pang pumasok sa Seminaryo. For sure, iniisip no'n na kabanal-banalan ka na. Hmp. If she only knew na makasalanan at nagka-sex life ka rin." Humalakhak ulit ito.
"Sinabi sa kanya ni Mommy 'yun?"
"Oo. Habang tinutulungan n'ya si Mommy na magluto ng pananghalian last week. Bakit? May mali ba sa sinabi n'ya?" Nakangisi ito na tila may kahulugan.
"Anong nginingisi-ngisi mo r'yan?"
"Wala lang. Nagtataka lang ako. Bakit kaya, all of the sudden parang ayaw mo nang ipaalam ni Mommy na gusto mong magpari? Eh dati-rati naman, kapag may inirereto silang babae sa 'yo, ang parati mong ipinapasabi, 'yung plano mong pumasok sa Seminaryo? Ano ba ang Seminaryo? Alibi mo lang?"
Ano nga ba?
Alibi ko nga lang ba?
***
"Ayon sa mga kakilala ng Papa mo," Pagkuk'wento ni Mama habang nagluluto sa kusina, "Wala raw permanenteng tirahan ang batang 'yun. Ayon daw ro'n sa mga umampon sa kanya, mas gusto pa raw ni Alexa ang magpalaboy-laboy kung saan-saang bahay ng mga kaibigan n'ya kesa mamalagi sa mansyon ng mga Castellano."
"There's a reason for that." Bulong ko.
"Like what?" Nadinig pala niya.
"Binubugbog s'ya at minumulestiya ro'n."
Namimilog ang mga matang humarap sa akin si Mama.
"Mabigat na paratang yan anak. Makapangyarihan ang mga Castellano. Paano mo naman nasabi na ganun nga?"
"Kitang-kita ng dalawang mata ko, Mommy. Minumulestya s'ya at sinasaktan noong anak ng mga Castellano. Kaya nga hindi ko na napigilan at nabugbog ko!"
"Ano?! Nanakit ka ng isang Castellano?"
"Eh gago eh. Sinasaktan niya si Alexa at minuminumulestya!"
Namutla ang Mama; biglang hindi na mapakali.
"Kailangangang malaman ito ng Daddy mo." Anya. "Malaking gulo at problema ito."
Malaking gulo nga siguro ito, pero ano naman ang gusto nilang gawin ko? Ang hayaan na lang si Alexa na saktan at pagsamantalahan ng demonyong 'yun? Ayokong madamay ang pamilya ko, pero hindi ko rin pinagsisihan ang ginawa ko.
***
"Kumpirmadong nasa ospital nga raw si Rob Castellano." Anunsyo ni Daddy habang nasa hapag-kainan kami. "Ayon sa report n'ya sa pulisya, ang nobyo raw ng kanyang kapatid ang may kagagawan noon. Mukha namang hindi ka nakilala pero nakikiusap ako sa 'yo na iwasan mo muna si Alexa, dahil oras na matunugan ng mga Castellano na ikaw ang may kagagawan no'n kay Rob, hindi lang ikaw ang mapapahamak kundi ang ating buong pamilya."
Iwasan? Hindi ko nga makita kung nasaan, iiwasan ko pa?
Kung nasaan man s'ya sana, nasa maayos siya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung may mangyayaring masama sa kanya. Hindi ko man sigurado kung ano itong nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko pa rin itong makitang muli; maipagtanggol, makasama at mayakap muli
***
"Kuya! Di ba si Ate Alexa 'yun?!" Sabi ni Eliza. Itinuturo ang direksyon ng nadadaanan naming ospital.
Ako kasi ang nakatokang maghatid sa kanya ngayon sa iskwelahan, gamit ang kotseng bigay sa 'kin ni Daddy nang magbente uno anyos ako.
Nilingon ko ang itinuturo ni Eliza. Nakumpirma kong si Alexa nga 'yun. May kasamang itong apat na lalaki. Papalabas ang mga ito sa laboratoryo ng isang ospital.
Kundangan namang na-trap ako sa traffic habang sumasakay si Alexa kasama ang apat na lalaking 'yun sa isang kotse. Nagtungo ang kotseng 'yun sa kabilang direksyon.
Bakit kaya s'ya nanggaling ro'n? At sino naman kaya ang mga lalaking kasama n'ya? Mga tauhan kaya ang mga iyon ng mga Castellano?
Diyos ko! Nasa panganib kaya s'ya?
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
Warak
Mystery / ThrillerStandalone [Completed] Language: Filipino Don't mess with someone who has nothing to lose. [Official Website] www.warak.dyslexicparanoia.com [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Psychological...