Alexa's P.O.V.
Alas quatro na ng umaga nang makabalik ako sa ospital. Bagama't inensayo ko na ang sasabihin ko kay Jake, ninerbiyos pa rin ako nang tinanong niya ako ng...
"Saan ka nanggaling?" Nakaabang na ito sa may pintuan.
"H-ha? D'yan lang sa labas, b-bumili ako ng pang-agahan natin, a-at ilang groceries." Ipinakita ko sa kanya ang mga bitbit kong plastic bags at coffee carrier na may dalawang covered cup ng medium sized coffee.
"Anong oras ka umalis?" seryoso ang mukha niya.
Shit? Anong sasabihin ko?
"B-bakit? Anong oras ka ba nagising?"
Nagbuntong-hininga ito, sumulyap kay Eliza na nakahiga pa ring walang malay sa kama. Muli itong tumingin sa akin.
"Alas-tres." Biglang nag-aalala na ngayon ang ekspresyon ng kanyang mukha, "Nang nagising ako't wala ka, natakot ako. Nilibot ko ang ospital at nagtanong-tanong. Nang hindi kita mahanap, akala ko iniwan mo na ako." Lungkot na lungkot ang kanyang mukha.
Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kasi'y kagagalitan n'ya ako.
"Jake...ano ka ba?" nilapitan ko ito at niyakap, "Hindi ko magagawa sa 'yo 'yun. Halika," hinatak ko s'ya sa loob ng k'warto ni Eliza, "Nagugutom ka ba? Bumili ako ng agahan, heto ang mainit na kape," ibinigay ko sa kanya ang isang cup ng kape. Kinuha naman n'ya ito. Sunod ko iniabot sa kanya ang isang ham and egg sandwich. Tinanggap naman n'ya ito. Pero nang mapansin kong tinitingnan lang n'ya ang mga iniabot ko sa kanya, huminto ako sa pagkakalkal sa plastic bag at nilapitan s'ya. "Jake, kain ka na."
Hindi ito sumagot. Nakayuko ito na tila sinasadya nitong takluban ang kanyang mukha.
"Hindi ako makapaniwala sa nangyayari 'min 'to, Alexa." Aniya. Nanginginig ang kanyang mga balikat kanyang pagtangis. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang likod. "Gusto kong panghinaan ng loob, pero kapag naalala kita," tumingin ito sa akin; naglalawa ang mga luha sa kanyang mga mata. "Lumalakas ako. H'wag mo akong iiwan, ha?"
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
"Hindi kita iiwan, Jake." Niyakap ko ito mula sa kanyang likuran.
Nasa gano'ng sitwasyon kami nang mapatingin ako sa telebisyong nakakabit sa wall mount sa isang sulok ng kuwarto. Naka-istasyon ito sa balita. Mahina lang ang volume nito pero malaki naman ang mga letra ng marquee kung saan nakalagay sa headline...
Billionaire Don Roberto Castellano Sr. stabbed to death by wife. Mrs. Castellano, now in police custody.
Napansin naman agad ni Jake na nakatingin ako sa T.V., kaya kinuha nito ang remote at nilakasan ang volume. Lingid sa kanya, hindi talaga 'yun ang pangunahing nakapukaw sa akin ng pansin. Ang napatulala talaga ako'y ang sumunod na nag-flash na balita. "Tatlong alagad ng batas," ayon sa lalaking nag-uulat."ang natagpuang patay at pawang mga pugot ang ulo, ilang metro mula sa Presinto Otso. Natukoy ang bangkay bilang sina...blah...blah..blah." Sumunod na ipinakita ang mga litrato at mga pangalan ng mga nasabing mga pulis.
Shit! Kausap ko lang ang tatlong 'yon kanina ah? Pasikreto akong natutuwa at nangungutya sa mga nangyari sa kanila, pero sino kaya ang gumawa no'n sa kanila?!
Napatingin ako kay Jake. Nagulat ako sa kung papaano ito tumitig sa sa telebisyon. Masama ang kanyang mga tingin. Nakangisi ito sa paraang nakakapanindig balahibo. Kinabahan ako. Bigla kong naalala 'yung pagkakataon na tila may sumusunod sa akin kagabi.
Hindi kaya si...
Inalog ko ang ulo ko. Hindi. Hindi magagawa 'yun ni Jake. Kilala ko si Jake, hindi n'ya magagawang...sandali...kilala ko nga ba si Jake?
Palihim akong nagmasid sa paligid; kay Jake at sa lahat ng ikinikilos n'ya. Kapansin-pansin ang pananahimik n'ya. Pati na rin ang kakaibang ikinikilos nito. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Hindi ako napakali. Lalo na nang...makakita ako ng ilang patak ng dugo sa may tabi ng kama ni Eliza, kung saan si Jake nakaupo kanina.
Shit! This can't be happening. This is not what I have planned.
Ang plano ko'y ang pabayaang magpatayan ang mga taong umagrabyado sa akin. Hindi kasama sa plano ko ang madungisan ang mga kamay ni Jake!
"Jake, magsi-CR lang ako."Hindi ko na kasi matiis ang mga iniisip ko. Nasusuka ako. Lalo na kapag naiisip ko ang mga pinugot na ulo. Wala na raw kasi ang ulo ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen. Kung si Jake ang gumawa no'n, saan kaya nito dinala ang mga ulo? Diyos ko! Ano ba itong nangyayari?
"Sandali Alexa. May kukunin lang ako sa CR bago ka pumasok."
Ano kaya ang kukunin n'ya ro'n--na marahil ay ayaw n'yang makita ko? Ang mga ulo ba ng mga pulis? Ang deadly weapon na ginamit niya para pugutan ang mga ito? I can't contain my thoughts. At hindi ko nagugustuhan ang mga iniisip ko laban kay Jake. No. Not my Jake. Hindi n'ya dapat dinungisan ang sarili n'ya. Kung s'ya nga ang gumawa no'n, habang-buhay kong pagsisihan ang pagsasagawa ng naunsyami kong mga plano.
"It's your turn." Aniya, habang papalabas so Jake mula banyo. May hawak itong isang itim na garbage bag na tila may lamang... mga ulo? I am not sure, pero parang ganun kasi ang korte nito.
"Thank you." Nanginginig na ako. Nanlalambot na ang mga tuhod ko. Lalo na nang muli itong ngumisi sa akin na kakaiba talaga ang dating.
Tuluyan na akong nasuka sa pagkapasok ko pa lang sa banyo. May naamoy kasi akong malansa. Amoy dugo. Oo. Amoy sariwang dugo!
Sandali kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ilang saglit lang, napalihis naman ang paningin ko sa shower curtain sa bandang likuran ko. Nilingon ko ito at tiningnan sa malapitan. May mga mamula-mulang manstang tila talsik ng mga dugo ang bandang laylayan nito.
"Diyos ko po." Bulong ko, nang makasiguro akong dugo nga ang mga ito. Hindi siguro napansin ni Jake dahil bulaklakan ang design ng shower curtain. Pero malinaw ang mga mata ko. Hindi ko na tuloy sigurado kung biyaya nga ba ang magkaroon ng malinaw na paningin.
Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Iyak na walang tunog. Ayokong maulinigan ni Jake ang aking mga hikbi. Ayokong matunugan nito na mayro'n na akong alam.
"No, Jake no." Mahinang-mahinang bulong ko. Isinisiksik ko ang sarili ko sa isang sulok. "Not you. I love you so much. Not you." saka ko ibinuhos ang aking tahimik na pag-iyak.
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
Warak
Mystery / ThrillerStandalone [Completed] Language: Filipino Don't mess with someone who has nothing to lose. [Official Website] www.warak.dyslexicparanoia.com [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Psychological...